9

MARCH 2025

Ang Mandarayang Puso

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Luisa Collopy

Hindi lamang galit ang Diyos sa kayabangan at kasinungalingan, galit din ang Diyos sa pandaraya. Tunghayan natin ngayon ang mensahe ng ating devotion sa pagpapatuloy ng ating series na “Hate ni Lord ‘Yan!”

Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito’y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan.

Jeremias 17:9

Naniniwala si Mario na ang tunay na tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng mga magulang ay ang panganay na anak na lalaki. Kaya nang magkasakit ang kanilang ama, agad-agad siyang nag-appear muli sa buhay nito. Nailipat niya sa kanyang pangalan ang bank account ng ama at nanirahan na rin sa bahay ng ama. At nang mamatay ang kanilang ama, sinabi ni Mario sa kanyang mga kapatid, “You already own your homes. Wala akong bahay kaya dapat lamang na maging akin ang bahay na ito.” Pinalitan niya ang lock ng front door at nag-install ng security system. Walang kapatid na makakatapak pa sa bahay na iyon! 

Na-shock ang mga kapatid dahil merong last will and testament tungkol sa equal distribution ng bahay at ng lahat ng ari-arian. Pero higit sa lahat, ang bilin ng kanilang ama ay ang magkasundo sila. Mukhang malayo na itong matupad pa. 

“Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito’y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan,” ang tanong ni Yahweh (Jeremias 17:9). Sa kasakiman ni Mario, pinanghawakan niya ang maling paniwalang siya ang rightful heir. At dahil wala siyang sariling bahay, he saw an easy way to have one — ang angkinin ang hindi kanya.

Sa ating sinful state, sa kabulukan ng ating puso, laging kapos ang ating kasiyahan sa buhay kahit pa paulanan tayo ng blessings. Our actions are always selfish, always thinking of “Me, myself, and I!” and that we deserve more than what we have.

Sinabing ang kabulukan ng puso ay isang terminal condition that can only be treated by one thing: ang pagtatanim sa ating mga kalooban at ang pagsusulat sa ating mga puso ng mga kautusan ng Diyos (Jeremias 31:33). If we allow God into our hearts, He will change us and help us turn away from our evil deeds.

Salamat sa Diyos na nagbabago ng puso ng sinumang lumapit sa Kanya at tumanggap sa Kanyang Anak na si Jesus. Makakaasa tayong magbabago ang ating mga puso. Huwag din sana kayo magbabago sa patuloy na pakikinig sa Salita ng Diyos dito sa Tanglaw. Bukas, itutuloy natin ang ating series.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, help me to see who I really am. Kung wala Ka sa aking buhay, mananatiling bulok ang aking puso at tiyak ang aking kamatayan.

APPLICATION

If you haven’t accepted Jesus as your Lord and personal Savior, you can now pray and invite Him in your life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =