8

MARCH 2025

Saan Galit ang Diyos?

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Yna S. Reyes

Ayon sa Proverbs 6:16–19, may pitong bagay na kinasusuklaman ng Diyos. These last two days nakita natin na ayaw ng Diyos ng kayabangan at kasinungalingan. At pangatlo, galit ang Diyos sa mga pumapatay sa walang kasalanan.

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa’y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

Mga Kawikaan 6:16–19

Seventeen years old pa lang si Kian de los Santos when he was gunned down by the police sa isang anti-drug operation sa Caloocan City noong 2017. Senior high school student siya na may pangarap maging cadet ng Philippine National Police. Hindi siya drug addict, walang criminal record, mabuting anak, at masipag mag-aral. In fact, nagmakaawa siya sa mga pulis na bumaril sa kanya na kailangan na niyang umuwi para mag-aral dahil may exams siya kinaumagahan. But he was mercilessly executed dahil “nanlaban” daw siya. Anim na taon pa ang lumipas, noong 2023, para ma-convict ng murder ang apat na pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian. Isa lang si Kian sa libu-libong innocent victims ng extrajudicial killings (EJK) connected to the drug war in the Philippines in recent years.

Kung nagagalit ka sa nangyari kay Kian at sa marami pang innocent victims ng EJK, your heart is aligned with God’s heart on this matter. Hindi lang galit ang Diyos sa pagpatay ng walang kasalanan, kinamumuhian Niya ito. Kinasusuklaman! At “malagim ang kasasapitan” ng lahat ng “mga mamamatay-tao” (Pahayag 21:8).

“Huwag kang papatay” (Exodo 20:13) ang pang-anim na utos sa Ten Commandments na ibinigay ni Yahweh sa Israelites sa Mount Sinai, at sinusunod to this day ng mga Cristiano around the world.

Ipinag-utos ng Diyos na “huwag kang papatay” dahil mahalaga ang buhay ng bawat isang tao. It is because “God created mankind in his own image” (Genesis 1:27, NIV). Every man and woman bears the image of God in our moral, spiritual, and intellectual nature. When a man kills another, he is killing the image of God in his victim. He becomes an enemy of God who is the giver of life. Walang sinumang may karapatang kitilin ang buhay na ibinigay ng Diyos.

Kung galit ang Diyos sa pumapatay sa walang kasalanan, dapat tayong sumasamba sa Kanya, galit din! And we need to show concrete expressions of godly indignation.

God is a God of mercy, justice, and love. May His grace be upon us all through Christ Jesus! See you tomorrow for the continuation of our series “Hate ni Lord ‘Yan!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, I pray for justice for all the victims of extrajudicial killings in the Philippines and the families who are grieving for them.  

APPLICATION

What are concrete ways na maipapakita mo bilang Cristiano na galit ka sa “pumapatay sa walang kasalanan”?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 12 =