26
FEBRUARY 2025
Ang Mesiyas ng mga Miserable
Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang biyuda. Napakaraming nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.”
Lucas 7:12–13
“Walang nang silbi ‘yan!” Ito ang narinig ni Jennifer mula sa kanyang mga kapitbahay. Iniwan siya ng kanyang asawa dahil hindi sila magkaanak. At dahil maaga siyang nag-asawa at hindi nakapagtapos ng high school, nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. She feels hopeless and helpless.
Maraming tao ang kagaya ni Jennifer na naiipit sa mga mahirap na sitwasyon at pangyayari sa buhay. Natigil sa pag-aaral dahil walang kakayanan. Nawalan ng mga magulang sa murang edad. Nabiktima ng matinding kalamidad kaya nahirapang makabangong muli. They already feel helpless and worse, some people also make them feel useless.
Sa panahon ni Jesus, kawawa ang mga biyuda. Usually, the worth of a woman rests on the male head of the family. Ang anak na lalaki naman ang kasunod na magiging sandalan ng isang nanay kapag namatay ang tatay. Kaya itong biyuda na nakasalubong ni Jesus ay punong-puno ng lungkot dahil wala na ngang asawa at ngayon ay namatayan pa siya ng anak. Hindi magtatagal ay makakaranas pa siya ng kawalan ng halaga at silbi sa buhay at sa kanilang lipunan. But this is why Jesus came.
Jesus deeply cares for the poor and the helpless. “Huwag ka nang umiyak,” ang sabi Niya. Ang pagbibigay Niya ng comfort ay hindi lang sa salita dahil binuhay Niya ang anak ng biyuda. Jesus didn’t care if He becomes unclean for touching the coffin (Lucas 7:14) just to get near her dead son. Dahil dito, hindi lang ang buhay ng anak ang ibinalik ng Panginoon, kundi pati ang dignidad, halaga, at pag-asa sa buhay ng biyuda.
Hindi lang kaluluwa natin ang mahalaga para kay Jesus. He also restores our dignity and saves us from our misery. Lumapit tayo sa Kanya.
LET’S PRAY
O Lord, we come to You knowing that You love us wholly. Save us from our brokenness and helplessness.
APPLICATION
Basahin ang Psalm 34. Iprint ito sa isang papel at ipaskil sa inyong kwarto o opisina para madaling makabisado. Make this your prayer if you are going through despair right now.
SHARE THIS QUOTE
