25
FEBRUARY 2025
No Long Road to a Loved One
Ako’y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.
Juan 6:38
“There is no long road to a loved one,” ang malimit na bukambibig ng nanay. Panay kasi ang tanong ng mga bata kung nakarating na ba sila sa lugar ng kanilang kamag-anak. Dahil may kalayuan, naiinip sa biyahe. Pero ang sarap naman talaga ng feeling kapag nakarating sa destination.
Madalas, nababalitaan natin ang pag-uwi ng mga kapamilyang nasa abroad o malayong lugar para dumalo sa kasal, sa graduation, at minsan, para makiramay sa pagpanaw ng kamag-anak. Hindi ito madali. It takes time, money, and sacrifice by the one taking the trip or those they leave behind. However, many are willing to take the journey kasi when they arrive, ramdam na ramdam ng kanilang pinuntahan ang kanilang pagmamahal.
Sa pelikulang Sound of Freedom, based on a true story, iniwan din ni Tim Ballard —
a former US agent — ang kanyang bansa, asawa, at pamilya para i-rescue ang isang batang victim ng sex traffickers sa Colombia. Nagtagumpay ang mission pero marami siyang pinagdaanang matinding pagsubok.
Alam n‘yo ba na meron ding naglakbay nang pagkalayu-layo, at dumanas ng matinding paghihirap, hindi lang para ipadama sa atin ang Kanyang pagmamahal kundi para palayain din tayo sa pagka-alipin sa kasalanan? Iniwan Niya ang kaluwalhatian. He exchanged His royal robes for rags. Mula langit napunta Siya sa lupa; sa lupa nagpapako at namatay sa krus; mula sa krus inilibing at nabuhay muli para iligtas tayo sa kapahamakan. Siya ang ultimate example ng “there is no long road to a loved one.” From heaven to earth to our hearts, Jesus has come.
LET’S PRAY
O Lord, thank You for taking that journey to save me and give me eternal life. Salamat, Panginoon, sa Iyong walang katulad na pagmamahal at sana ay manatili Ka sa puso ko forever. Forgive me for taking Your sacrifice for granted. Help me to be like You, remembering, at any time, that there is no long road to a loved one. Amen.
APPLICATION
Baka meron kang loved ones na naghihintay ng bisita mula sa iyo. Your visit will bring encouragement to them. Or perhaps you need to take the extra mile for someone in need. Plan today how you can make it happen.
SHARE THIS QUOTE
