27

FEBRUARY 2025

Sa Puso, sa Salita, at sa Gawa

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Sasabihin naman ni Yahweh, “Sa salita lamang malapit sa akin ang mga taong ito, at sa bibig lamang nila ako iginagalang, subalit inilayo nila sa akin ang kanilang puso, at ayon lamang sa utos ng tao ang kanilang paglilingkod.

Isaias 29:13

“Uy, pakisabi na lang, condolence ha, nakikiramay ako,” ito ang parating bukambibig ni Malou pag may kakilalang namatayan. “Eto, paki-abot na lang ang abuloy ko,” dagdag pa nito. Wala namang masama sa ganung gawain, nakakatulong pa nga ang pagbibigay ng abuloy. Pero nang siya na ang namatayan ng mahal sa buhay, na-realize ni Malou na kapag nagluluksa pala ang isang tao, ang pinakahinahanap-hanap niya pala ay ang presensya ng iba. Tunay nga, our presence is the strongest form of support anyone can give para sa mga namatayan ng loved ones. We don’t even have to say a word. We just have to be there. Love speaks loudly with our presence.

Naisip ni Malou na puwede naman pala niyang gawin iyon dati. Di naman malayo ang kanyang tinitirhan. Wala naman siya sa ibang bansa. Nakaka-drive nga siya sa kung saan-saang malayong bakasyunan, eh bakit di na lang siya ang pumunta sa lamay at siya mismo ang nagsabi ng “condolence” sa kaibigan? Puwede pa niya itong kamayan o hagkan. Ipinasabi na lang ang pakikiramay — para bang tinext na lang! At ang abuloy na ibinigay niya — galing ba iyon sa puso o dahil nakagawian lang? Or worse, ay dahil pinangangalagaan ang sariling reputasyon? May kulang. Siguro kasi, hindi masyadong mahalaga sa kanya ang taong namatayan. Hindi niya masyadong mahal.

Maihahalintulad natin ang kuwento ni Malou sa pagsunod sa mga utos ng Panginoon. Hanggang salita lang ba tayo? Sumusunod lang ba tayo sa Panginoon dahil inutos, o dahil nakakahiya sa iba? Only our loving God knows our hearts, but He desires our obedience that stems from our love for Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin po Ninyo kami sa aming mga pagkukulang. Ilang beses na po kaming kumilos dahil lamang nagi-guilty o nagpapakitang-holy. Sorry po sa pagpapanggap. You alone know our true intentions. Cleanse our hearts, oh God, and renew our spirits. May we act in obedience because we love You, and nothing else.

APPLICATION

Today, why don’t you go out of your way to show someone you care? Di bale na kung inconvenient. Do it even if it will cost you your time and effort, and maybe even your money. But the important thing is to do it out of love for God. See how you feel afterward.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 6 =