26

JANUARY, 2021

Ang Panalangin Ni Jabez

by | 202101, Devotionals, Prayer

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Albino Sadia
Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.

1 Mga Cronica 4:10

Anong mararamdaman mo kung ang pangalan na ibinigay sa iyo ng magulang mo ay isang pangalang masama ang ibig sabihin? Ganito ang nangyari kay Jabez. Noong siya ay ipinanganak, labis na nahirapan ang nanay ni Jabez sa panganganak sa kanya kaya naman ang ibinigay na pangalan sa kanya ay Jabez na ang ibig sabihin ay “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.”

Ang saklap, hindi ba? Sariling magulang mo pa ang nagbigay sa iyo ng isang pangalang hindi kanais-nais. Marahil ay naging tampulan ng tukso si Jabez dahil sa kanyang kakaibang pangalan. May mga tao rin siguro na nagsasabi na “malas” si Jabez dahil sa malas ang kanyang pangalan.

Pero ganoon pa man, hindi naniwala si Jabez na “malas” siya. Sa halip, nanalangin siya sa Panginoon at humingi siya ng apat na bagay na magpapatunay na kahit ganoon ang kanyang pangalan, hindi ito magiging dahilan para hindi siya pagpalain ni Lord. Ano-ano ba ang mga hiniling ni Jabez kay Lord?

Una: Pagpalain po ninyo ako! (provision)
Pangalawa: Palawakin ninyo ang aking lupain (promotion)
Pangatlo: Samahan po ninyo ako (presence/power)
Pang-apat: Ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin (protection)

At ano ang sagot ni Lord sa panalangin niya? Ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan (1 Cronica 4:10). Naniwala si Jabez na hindi ang kanyang pangalan ang magdidikta ng kanyang buhay kundi ang pananampalataya niya sa Diyos na kaya Niya siyang pagpalain, ingatan, at pasaganain. At kung ginawa iyon ni Lord para kay Jabez, magagawa Niya rin iyon para sa iyo, regardless kung ano ang tingin at sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, katulad ni Jabez, dalangin ko na ako ay Inyong pagpalain, palawakain Ninyo ang aking territory at influence, samahan Ninyo ako at ingatan maging ang buong pamilya ko. Salamat dahil Kayo ang Diyos na sumasagot sa aming mga dalangin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Maaaring gawing pattern ang prayer ni Jabez. Araw-araw, bago pumasok o lumabas ng bahay mag-declare ka ng provision, promotion, presence, at protection sa iyong sarili at sa buong family. Remember na ang lahat ng blessings na ito ay naging available sa iyo nang manampalataya ka kay Jesus.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 12 =