9

MAY 2023

Ang Pangarap ni Rosa

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya’y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya’y Diyos ng buong sanlibutan.

Isaias 54:5

Simula bata, pinangarap na ni Rosa ang araw ng kanyang kasal. Favorite role play niya ‘yung wedding march, may belo sa ulo, may hawak na flowers. Sa kanyang secret diary, sumulat siya ng fictional story about her dream husband. At may mga pangalan na ang kanilang future kids!

At age 30, naiinip na si Rosa. Panay na nga ang kanyang parinig, pero ang kanyang boyfriend of three years ay hindi pa nagpo-propose. She was getting frustrated to the point of nagging, because this man of her dreams was not fulfilling all her needs.

Sa kasamaang-palad, imbes na mag-propose, nakipag-break ang kanyang boyfriend.

On that very dark night, iniiyak ni Rosa sa Panginoon ang kanyang disappointment. Napansin niya ang Isaias 54:5. “Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo,

ang pangalan niya’y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya’y Diyos ng buong sanlibutan.”

In tears she surrendered, “Hindi ko po maintindihan, pero sige po, Lord. You are my husband na talaga!”

After that prayer, unti-unting na-realize ni Rosa how God has been pursuing her all these years ― as her Friend, Comforter, Provider, Teacher, Defender, Lover. Everything that she was looking for in a husband. Dati pag may nag-quote sa kanya ng verse about the Maker as her Husband, hindi niya tinatanggap; nagagalit pa nga siya. But after encountering God in this new way, nagbago ang lahat.

Imbes na mag-expect na sagutin ng ibang tao ang kanyang needs, she found herself loving other people. With God as her Source, naging mas mabait siya sa mga co-worker niya, mas maunawain sa mga kapamilya. ‘Yung desire niya to be with a man, hindi na naging mahalaga. Complete in the Lord, Rosa became more attractive, lalo na sa kanyang ex. Kaya di nagtagal, nagbalikan sila at nagpakasal na!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, inilalapit ko po sa Inyo ang mga nalulungkot at naghahanap ng kasama sa buhay. Nawa’y ipa-realize Ninyo sa kanila, gaya ng nangyari kay Rosa, that You are all we need. Please meet every desire of our hearts. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Reflect on our verse today and say: “For your Maker is your Husband.” Allow God to fill your heart with His love.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 1 =