8

MAY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Michellan Alagao

Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una.

Pahayag 2:5

Ang Ephesian church ay may napakagandang reputation at kilala sila ng Panginoon. Mabusisi at matiyaga sila, at hindi nila kinukunsinti ang masasama (Pahayag 2:2–3). Wow! Imagine, kung sabihan ka ni Lord na “Nalalaman ko ang mga ginagawa mo” at pinuri ka Niya. Hindi ka ba matutuwa? Hindi ka ba kikiligin?

Unfortunately, eto na nga ang problema: Wala na ang kilig. Oo, ginagawa ng Ephesian church ang tama, nagtitiis sila sa maraming hirap, at sinusuri nila ang mga teaching at teachers na dumadaan sa mga pinto nila. Pero siguro parang gawaing-bahay na lang ito sa kanila. ‘Yun bang tama at dapat na gawin ang mga ito, pero wala na ang tamis at kilig ng “first love.”

Naranasan mo na ba ito? Noong una kang nagka-boyfriend or girlfriend, parang halos minu-minuto nagme-message o nag-uusap kayo. Pero nang magtagal, “good morning” at “good night” na lang. Sa mga may asawa, naalala pa ba ninyo ‘yung first time na ipagluto ninyo si mister o si misis? Todo effort! Pero okay lang di ba, basta magustuhan niya ang pagkain. Ngayon, ganoon pa ba? O parang hassle na? Mas kinikilig ka ba sa artista o sa K-pop idol kaysa sa iyong kasintahan o asawa?

I-apply natin ito sa relationship natin kay Lord. We could be like the Ephesian church: matiyaga, hindi kinukunsinti ang masama, at nagtitiis sa maraming hirap. On the surface, parang going strong tayo sa faith journey natin. Pero sa loob, we have forgotten our first love at wala na tayong kilig kay Lord.

May times talaga na ganito sa buhay Cristiano, ‘yung medyo dry tayo. Lahat ng believers nararanasan ito. Pero hindi doon nagtatapos ang kuwento. With the help of the Holy Spirit, we can return to our First Love.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo ako na ibalik ang puso ko sa Inyo, ang aking First Love.

APPLICATION

Nais ni Lord na lagi mong i-renew ang love mo sa Kanya. “Gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una,” ang reminder Niya. Sometimes, actions come before feelings. I-try mong gawin ulit ang mga ginagawa mo para sa Panginoon noong new believer ka pa. As you do, try to remember how you felt about the Lord then.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 7 =