10
DECEMBER, 2020
Ang Ritwal ng Pagtu-toothbrush
Share with family and friends
Mga Awit 119:9
Gaya ng pagtu-toothbrush, meron din tayong palagiang mga ginagawa para lalong lumalim ang pagkakilala natin sa Panginoon, at mapanatili nating malinis ang ating pamumuhay. Nakakatulong ang pagbabasa ng Salita ng Diyos at ang pananalangin. Ganoon din ang pagsisimba tuwing Linggo, ang pakikisalimuha sa mga kapwa mananampalataya at ang paglilingkod sa Diyos at sa mga kapatiran—’yung tinatawag nating ministry. Ang pagkakaloob—tithing man iyan o voluntary offering—ay nagiging daan para lalong makilala ang katapatan ng Diyos.
To help with this, may isang technique na tinatawag na 555 (hindi ito ad ng sardinas). Magandang basic formula ito para maging routine natin sa araw-araw: 5 minutes na pagbabasa ng Bible; 5 minutes na pananahimik at pakikinig sa Panginoon; at 5 minutes na pananalangin. Gawing routine ito paggising sa umaga at bago matulog. Tulad ng sinabi ng sumulat ng Mga Awit 119:9, “Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng isang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kasulatan.”
Gaya ng ngipin na dapat sepilyuhin at least twice a day, kailangan nating paulit-ulit na linisin ang ating pag-iisip para mapanatiling malinis ang ating pamumuhay. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsunod sa banal na Salita ng Diyos.
Share this encouraging page to family and friends.