20

JUNE 2022

Ang Tawag kay Simon Peter

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Lara Quigaman & Written by Michellan Alagao

Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.

Mateo 4:18–20

Ang pangingisda ay trabahong hindi basta-basta. Kailangan mo ng lakas at maraming gamit, tulad ng bangka at mga lambat. Mahalaga din ang know-how upang magkaroon ng maraming huli. At kahit na mayroon ka ng lahat ng ito, hindi guaranteed ang magandang results.

Tulad ng pangingisda, ang invitation ni Jesus kay Simon na maging fisher of men ay hindi madali. Kailangan din nito ng lakas, tools, at know-how upang ma-share nang mahusay ang Gospel. Pero tulad ng isda sa dagat na mailap, ang pagtanggap ng tao sa Gospel ay wala ring katiyakan. Kaya ang invitation na ito ni Jesus ay napaka-importante. Sabi ni Jesus, “Napakarami ang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani” (Mateo 9:37).

Bagama’t di madali ang calling sa ministry, ang invitation ni Jesus para maging bahagi nito ay isang malaking opportunity. Marahil, ganito ang naging tingin ni Simon kaya siya sumama agad kay Jesus. Si Jesus ay isang kilalang rabbi sa kanilang lugar, at ang pagkakataong matuto sa ilalim Niya ay once in a lifetime experience. Siguradong kulang si Simon Peter sa qualifications para maging isang totoong fisher of men, ngunit sa pagkakataong iyon, kailangan niya lamang sumagot ng “oo” kay Jesus. Si Lord ang bahala sa provision (Mga Taga-Filipos 4:19).

Lahat tayo ay merong invitation from Jesus na maging bahagi ng ministry. Merong tinawag na maging pastor o worship leader. Ang iba ay nagiging teacher, Bible Study leader, counselor, at kung anu-ano pa sa loob at labas ng church. May malalaki at maliliit na responsibilidad, ngunit ang mahalaga ay may mga pumayag na gumawa ng mga ito. At nagsisimula ito sa ating pagsagot ng “oo” sa calling ni Jesus — tulad ng ginawa ni Simon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, how do I serve You? Saan Mo ako tinatawag? Anong skills ang maio-offer ko? Use me, Lord. Please provide what I lack so I can serve You.

APPLICATION

May calling ka ba sa buhay mo from Jesus na hindi mo pa binibigyan ng response? May mga kailangan ka bang i-give up para maka-oo ka? Natatakot ka ba na di mo magagawa nang mahusay? Ask God for guidance on how to go about your calling.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 12 =