21
JUNE 2022
Overcoming Hatred and Bitterness
Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao’y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
Santiago 1:20
Mas madali ba ang mamuhay ng may hatred at bitterness o mas masarap ang malaya kang nakaka-smile ng walang bigat sa buhay araw-araw?
Somebody who had hatred and bitterness in her heart has this to say: “Sa totoo lang, ‘di ito nakatulong sa akin. Nandiyan iyong madali akong magalit, maiksi ang pasensya, nakasimangot ang mukha at minsan, masama din magbitiw ng salita sa kapwa. May panahon din na feeling empty ako, at higit sa lahat, ramdam ko na malayo ako sa Diyos.”
But Psalm 37:8 says, “Refrain from anger, and forsake wrath! Fret not yourself; it tends only to evil.” Kadalasan ang pagkamuhi at bitterness ay umaalipin sa tao. At marahil ang tanong mo, “Paano ba ma-overcome ‘to?”
Kung gusto mong maging matagumpay the first thing you need to understand is that God will and can help us overcome hatred and bitterness. Sabi sa Mga Taga-Filipos 4:13, “Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.” Hindi dahil sa strength mo kundi dahil kay Jesus lamang kaya huwag mong iisipin na mahirap pagtagumpayan ang hatred.
Pangalawa, God commanded us to love our enemies. Romans 12:20 says na kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at kung nauuhaw ay painumin mo. Sabi din sa chapter na yan na ang Diyos ang magtatanggol sa ‘tin at hindi tayo dapat maghiganti.
The greatest commandment na binigay sa atin ni Jesus bukod sa mahalin natin ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip ay ang kasunod na verse sa Mateo 22:39, “Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” At gaya nga ng sabi sa James 1:20, ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa mata ng Diyos.
LET’S PRAY
Dear Father in Heaven, tulungan po Ninyo ako na mapagtagumpayan ang hatred at bitterness na nararamdaman ko. Matuto po sana akong mag-forgive sa taong nakasakit sa akin at palayain po Ninyo ako dahil gusto ko na ma-papurihan Ka sa aking buhay at maging malaya sa bagay na pwedeng umalipin sa akin sa kasalanan.
APPLICATION
Wag natin kakalimutan na nago-glorify ang Diyos sa atin pag tayo ay nagpakumbaba. Tatandaan din natin na Siya ang magtatanggol sa atin sa paraan na ‘di natin inaakala. Ipanalangin ang sarili at magtiwala that God heard your prayers and sasagutin Niya iyon ng ayon sa Kanyang kalooban. Obey God’s word at matatanggap mo ang kalayaan mula sa galit at pagkamuhi.