21

MAY 2023

Anong Gusto Mo Paglaki Mo?

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Prexy Calvario

Sa araw na ito, simulan natin ang isang topic na makakatulong sa mga magulang. Welcome to our series “Paalala para sa Parents.”

Patuloy na lumaki si Jesus; lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

Lucas 2:52

“Anong gusto mong maging paglaki mo?” Karaniwang tanong ito ng mga nakakatanda sa mga paslit. Ikaw, anong sinagot mo sa tanong na ito noong bata ka pa? Maging doktor? Engineer? Astronaut?

Twelve years old si Jesus nang dumalo sila sa pista sa Jerusalem, ayon sa kanilang kaugalian. Nang pauwi na ang kanilang pamilya, hindi napansin nina Mary at Joseph na nagpaiwan si Jesus. Hinanap nila ito kung saan-saan at sa huli ay natagpuan nila ito sa templo na kausap ang mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang katalinuhan (Lucas 2: 41–47).

Namangha sina Mary at Joseph nang makita Siya. Tinanong ni Mary ang anak, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” Sumagot si Jesus, ‘Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako’y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?’” (vv. 48–49).

Hindi man maunawaan nina Mary at Joseph ang sagot ni Jesus noon, they knew Jesus has a purpose which He has to fulfill someday. Jesus being both God and Man was aware who He would become ― the Savior of mankind according to God’s plan.

Ang bawat anak ay blessing ng Panginoon sa kanyang magulang. Kaya naman tinatawag ng Diyos ang mga magulang na palakihin ang mga anak nila ayon sa Kanyang katuruan. Kasabay nito ay magtiwala na sa biyaya ng Diyos, patuloy na lumaki ang ating anak, lumawak ang kanilang karunungan, at maging kalugod-lugod sa Diyos at tao, gaya ng naranasan ni Jesus (Lucas 2:52). At idalangin nating masundan nila ang plano ng Panginoon sa kanila ― sila man ay maging doktor, engineer, astronaut, pangulo ng Pilipinas o kahit ano pa ang kanilang maging propesyon.

Magulang ka man o hindi, we hope you’ll join us again tomorrow dahil tiyak na may mapupulot kang magandang mensahe from God’s Word. See you!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo akong isabuhay ang mga katuruan sa Inyong Salita nang sa gayon ay maging mabuting halimbawa ako sa aking mga anak o mga bata sa paligid ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Ask the Lord to give you opportunities to serve the next generation. Maaaring mag-volunteer sa Kid’s Church or Sunday school sa inyong simbahan. O kaya naman ay mag-sponsor ng bata sa kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng mga organisasyong tumutulong sa kanila.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 15 =