22

MAY 2023

Sa Kanyang Mga Mata

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Honeylet Adajar-Velves

Whether you’re a parent or not, if you believe in Jesus Christ the Son of God, you are a child of God. Good news, di ba? Let’s learn more from our devotion today.

Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Mga Taga-Efeso 1:4–5

Nakakita ka na ba ng batang sobrang clingy sa nanay niya? Mula sa pagbangon sa umaga, makikitang abot tenga ang ngiti ni baby sa mukha ni mommy kahit may muta pa siya sa mata. Kapag nag-ayos si nanay ng sarili niya, ang toddler na laging nakadikit sa kanya, tila hangang-hanga. At kahit hanggang sa pagpunta sa C.R. ay kabuntot ni mama ang kanyang anak na naka-walker pa. Nakakatuwang isipin na maganda man o haggard na ang hitsura ni mommy, in love na in love si baby sa kanya.

Kung paanong perfect sa paningin ng isang baby ang kanyang mommy, ganito rin tayo sa mata ng Diyos. Kahit na meron tayong flaws sa ating pagkatao, God sees us perfectly magmula nang makipag-isa tayo sa Anak Niyang si Jesus Christ (Hebrews 10:14). Sa tuwing meron tayong achievements, para Siyang fan na unang nagchi-cheer sa atin because He knows that through Christ, we can do all things (Philippians 4:13). And even when we do things na umaalingasaw ang baho dahil sa kasalanan, He is there, not turning His back on us. Hinihintay lang Niya tayong lumapit sa Kanya and believe that through the sacrifice of His Son Jesus, our sins have already been forgiven (1 Corinthians 15:3). That’s how much He loves us.

So, kung feeling mo hindi ka maganda ayon sa standard ng mundo, or you think of yourself as a failure, tandaan mo na in God’s eyes you are holy and perfect through the sacrifice of His Son Jesus. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, pinili Niya tayo para maging anak Niya sa pamamagitan ni Jesus.

Abangan bukas ang isa pang mensahe na bahagi ng ating series na “Paalala para sa Parents.” And if you are a single parent, you wouldn’t want to miss tomorrow’s devotion.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat na dahil kay Jesus, pinatawad Ninyo ang lahat kong kasalanan. Tulungan po Ninyo ako na makita ko ang worth ko the way You see me. Thank You for choosing me and making me holy and perfect because of Your love and through the sacrifice of Your Son. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Humarap sa salamin at sabihin sa sarili, “You are beautiful, perfect, and loved!” Kung meron kang anak, i-affirm mo siya by always saying, “God loves you!” I-share rin ang devotion na ito sa social media mo and pray that someone’s self-esteem will be uplifted while reading this.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 7 =