25
APRIL 2022
Are You Paying Attention?
“Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito’y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.”
Isaias 43:19
“What do you think you should start, stop, and continue on your call?” tanong ni communication coach sa kanyang agent. Bakas sa mata ng agent ang pagod at pagkadismaya sa kinalabasan ng tawag na in-evaluate nila. Bukod sa puyat sa graveyard shift, sunud-sunod din ang pasok ng mga tawag at windang na rin siya sa complaints at paulit-ulit na concerns ng mga customers. During the call sa isip niya, “Sige na lang para matapos na ang call.” Kaya naman nag-go with the flow siya sa mga sagot niya and missed the customer’s main reason for calling. Kaya naman ang feedback ng customer sa call, “Are you paying attention?”
Kung si Andrew ang tatanungin, yes! Isa siya sa mga unang disciple ni John the Baptist na naka-witness ng baptism ni Jesus (John 1:32; 40). At nang narinig nila si John the Baptist na sinabing, “Siya ang Kordero ng Diyos,” sumunod siya kay Jesus (John 1:35–37). Andrew was not merely following John the Baptist’s teaching but he was paying attention to what God was doing. At nang nakita niya kung ano ang nangyayari, una niyang hinanap ang kapatid niyang si Peter at sinabing, “Nakita na namin ang Mesias!” (Juan 1:41–42). Kaya naman nang tinawag sila ni Jesus upang maging fishers of men (Matthew 4:18) ay hindi siya nagpatumpik-tumpik pa at naging isa sa mga 12 disciples Niya (Matthew 10:2). Naging daan din siya nang may mga Griyego na gustong makita si Jesus (John 12:20–22).
Andrew saw the “new thing” that God was doing. He followed the “new thing” and ended up as one of the “streams in the wasteland” where people were pointed to Jesus, the Living Water (John 4:10; 7:37–39)
God is still doing a new thing today. Like Andrew, we need to pay attention to God’s Word, trust and obey Him. Ask yourself, “What should I start, stop, and continue to pay attention to the ‘new thing’ that God is doing?”
LET’S PRAY
Lord, help me see the new thing You are doing. Tulungan Ninyo akong maging attentive sa Inyong Salita, magtiwala, at sumunod sa Inyo nang maranasan ko ang kaganapan ng Inyong plano sa aking buhay.
APPLICATION
Find a time and place where you can be alone with the Lord. Read the Bible at magsulat ng prayer sa iyong journal. Have an expectant heart that God will speak to you.