15
FEBRUARY 2024
Are You the Toxic Neighbor?
Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa ikalalakas ng kanyang pananampalataya.
Mga Taga-Roma 15:2
Videoke hanggang alas-tres ng madaling araw. Nagpa-park ng kotse nila sa harap mismo ng gate mo. Hindi nakikisama sa paglilinis ng kalsada. Sa tapat ng bahay mo pinapadumi ang kanilang alagang aso. Nagsasampay sa bakod mo na parang sila ang may-ari nito. Kung ganito ang kapitbahay mo, sigurado akong araw-araw kang napeperwisyo at nacha-challenge ang pasensya mo. At kung ganitong klase kang kapitbahay, aba‘y mapalad ka kung hindi ka pa nila napapa-barangay!
Malimit na tayong nakakabasa ng tungkol sa pagbibigay ng pasensya sa iba. Pero tayo ba? Kailangan din ba nilang habaan ang pasensya nila sa atin? Madali kasing mapuna ang maling ginagawa ng iba, pero hindi natin napapansin na baka tayo mismo, nakakaperwisyo sa kanila!
Bato bato sa langit, ang tamaa‘y ‘wag magalit. Pero bilang mga sumusunod kay Jesus, kailangang makita rin ng ating kapwa na hindi lamang tayo Cristiano sa salita kundi pati na rin sa pakikipagkapwa-tao. We cannot be amiable people whenever we‘re in church pero pag-uwi ay makikipag-away tayo sa ating kapitbahay. Our neighbors are the ones who see us in our tattered shorts, in our dusters, in our hair rollers. They are the ones who see our dirty linen. But it doesn‘t mean that we should keep our linen dirty. Tandaan natin na salt and light of the world tayo — thus, our neighbors must see Christ in us.
LET’S PRAY
Dear Lord, patawarin po Ninyo ako sa mga panahong naging uncooperative and disrespectful ako sa aking mga kapitbahay. Kapag nakakalimutan kong respetuhin ang kanilang tinitirhan, ipaalala po Ninyo sa akin na matutong makibagay. Ipaalala po Ninyo sa akin ang aking lugar. Change me for the better so that I don‘t cause others to stumble.
APPLICATION
Ano ang mga paraan para makasundo mo ang mga kapitbahay mo? Kung meron kang nakaalitan sa kanila, ipagdasal mong maayos na ang relasyon ng mga pamilya ninyo. List down practical ways to show them that you care. It could be turning down the volume of your speakers at home, cleaning up after your furbaby‘s mess, or perhaps bringing merienda for your neighbor‘s family.