14

FEBRUARY 2024

Pusuan Na ‘Yan!

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Thelma A. Alngog

Kapag pinag-usapan ang love, isa sa una nating naiisip ay romantic love. Kaya sa pagtatapos ng series natin na “Love in Action,” silipin natin ang ilang mga talata mula sa Awit ni Solomon.

Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo aking sinta, sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya.

Ang Awit ni Solomon 7:6

Ano nga ba ang pakiramdam kapag first time tumibok ng iyong puso sa isang opposite sex? Wala ka na bang magagawa kundi sundin ito?. But wait, nagkaroon ka na nga ba ng first love? Pusuan mo na ‘yan!

Feb-ibig ang peg natin. Ang focus ng mga tao sa buwan ng February ay ang kanilang mala-Romeo at Juliet o Florante at Laura na pagmamahalan. ‘Ika nga ni Francisco Balagtas, “Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” Nakakabaliw ngang pag-usapan ang walang kamatayang romantic love.

Naalala mo pa ba ang first date ninyo with candlelight and flowers pa? Naglalakad kayo sa Luneta na magka-holding hands pa! Nag-travel din kayo sa isang lugar kung saan pinagkabit ninyo ang inyong lovelock at feeling mo siya na ang forever mo.

Kung may Mr. Suave o romantikong magmahal ay wala na yatang hihigit pa kay King Solomon. Sa kanyang mga awitin sa Song of Songs o Ang Awit ni Solomon ay pinakita niya ang larawan ng dalawang nagmamahalan. Ito na nga ang pinakamagandang awitin ni Solomon (Ang Awit ni Solomon 1):

Babae: Akong ito’y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo’y mainam pa sa alak. Ang taglay mo’y halimuyak, saan kaya itutulad? (Ang Awit ni Solomon 1: 2–3a)

Mangingibig: Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang? Mga pisnging malalambot, mga balani, may pang-akit, na lalo pang pinaganda ng pahiyas na naglawit (Ang Awit ni Solomon 1:9a–10a,b).

We can treat this song as an expression of human love and a reminder that we need to celebrate romance within marriage. God also intentionally uses marriage as a reflection of our relationship with Him. Kumusta naman ang relasyon mo kay God? Mas higit ba sa pagmamahal mo sa iyong romantic love? Hindi ba dapat si God talaga ang first love mo? Make Jesus your first love and everything will fall into perfect place.

Thank you for joining us in our series “Love in our Action”. May every day of your life be filled with the love of God. At sana, everyday din, makasama namin kayo dito sa Tanglaw!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Panginoon, sa walang hanggan Ninyong pagmamahal sa amin. Turuan Ninyo kaming magkaroon ng love and intimate relationship with You forever. In Jesus’ name I pray. Amen.

APPLICATION

Basahin mo ang buong book ng Song of Songs o Ang Awit ni Solomon and pray na magkaroon ka ng insight kung gaano kadakila ang pagmamahal ni Lord sa iyo. I-share mo rin ito sa iyong mga mahal sa buhay at kakilala.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 10 =