13

MARCH 2022

Ask for Great Things

by | 202203, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Alma S. de Guzman

“Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!”

Mateo 7:11

“Lord, maayos na work schedule lang naman ang hinihingi namin, baka pwede po Ninyong pagbigyan?” Prayer ito ng couple na nag-uusap dahil for the nth time ay nagbago ulit ang schedule ni Mar, at for sure na mahihirapan na naman sila magkaroon ng quality time ni Ai. Linggo-linggo busy si Ai, every other week nasa probinsya sya for outreach. Graveyard schedule naman si Mar, kaya halos hindi narin talaga nagtatagpo ang schedule nila.

Mula sa maliit na request na iyon, pinaalala ng Panginoon na tulad ng napakinggan nilang testimony, sila din ay maaring himingi at magtiwala sa Panginoon.

Mar and Ai realized that instead of asking for a change of work schedule, why not ask God for great things? They decided to take a leap of faith to ask God for an opportunity to pursue Mar’s dream. Makalipas ang anim na buwan, God provided for an enrolment fund for Mar. Natupad ang dream niya na muling makapag-aral para maging licensed teacher, at bonus pa ang bagong work with good schedule.

God is a good Father.

Alam Niya ang tunay na laman ng puso natin sa bawat panalangin. He is a loving Father. He cares that much kaya kahit yung bagay na hindi na natin naisip hingin, pwede pa rin Niyang ibigay.

As we abide in Him (John 15) and carefully listen to His word, we will discover na in our limited prayers He is a limitless God. If we ask anything according to His will, it will be done for us (John 16:24).

Kapag humingi tayo ng great things from the Lord, let’s look to Jesus, and remember that all the great things He asked in the name of the Father, brings glory to Father’s name alone.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, katagpuin mo ang puso ko, patuloy mo akong turuan na makinig sa Iyong loob, at hayaan mong bawat panalangin ko’y magkaroon ng kasagutan, ayon sa Iyong kalooban. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Track Jesus’ history of prayers and great miracles, then list your prayers and ask God to align it to His will.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 13 =