13

MAY 2021

Share with family and friends
Narrated by Camilla Kim-Galvez & Written by Thelma A. Alngog

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Mga Awit 118:24

Madalas ka bang makarinig ng mga salitang gaya ng, “Grabe! Ang pangit ng gising ko!” Totoo bang kapag hindi maganda ang gising ng isang tao, ang result ay “bad mood” na agad?

May mga taong nagkakaroon ng bad mood dahil madalas na puyat o kulang sa tulog kaya mabilis uminit ang ulo. May mga tao namang dahil mahilig uminom ng alak, mabilis tuloy magbago ang timpla ng ugali at pag-iisip. Madalas napapaaway pa. Nakaka-bad mood din ang stress sa trabaho, lalo na kung slave driver ang employer. May mga tao ding sobrang maka-react kaya nagkakaroon na ng kagalit sa Facebook. Maraming dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng bad mood.

Naniniwala ang ilang psychologists na ang bad mood ay nag-uugat sa tinatawag na ego depletion. Parang stress threshold. Kapag hindi mo na kaya ang stress, umiinit na ang ulo mo. Ang idea na ito ay nagmula kay Roy Baumeister. Ayon naman sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Neuroscience noong 2009, natuklasan ng mga researcher na kapag ang isang tao ay nasa bad mood, nagkakaroon siya ng tunnel vision o ‘yung tendency na mag-focus na lang sa isang point of view. In contrast, if the person is in a good mood, mas malawak ang pananaw niya.

Kaya mainam na good mood tayo lagi. Ano ang makakatulong para maging good ang mood natin? Makakatulong ang tamang perspective kagaya ng pananaw ng sumulat ng Mga Awit 118:24. Sabi niya, “O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!”

Nakaka-good mood talaga na isipin at sabihin na bawat araw ay bigay ng Diyos. Kaya pagkagising, mag-focus muna tayo kay God. Isipin natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin and what God can do. Masarap isipin na ang Diyos ay laging nasa tabi lang natin. Then, think of things na puwede mong gawin sa tulong ng Diyos. You will be very useful and productive by His grace. Kapag nararamdaman mo naman na pumapangit na ang mood mo, stop for a while and evaluate kung bakit tila bad mood ka na. Refocus. Pray for God’s help. Declare, “This is the day the Lord has made, I will rejoice and be glad in it!” Kailangang maniwala tayo na totoo ang Diyos sa buhay natin. Iyan ang tunay na bad mood buster!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Thank You, Lord for Your love that is sweet and incomparable. Kaya paggising ko sa umaga, in good mood ako agad. Help me to refocus and find rest in You kapag marami ng stress sa paligid. I refuse to be in a bad mood dahil kasama ko Kayo na nagbibigay sa akin ng saya. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Pagkagising mo tuwing umaga, i-declare mo na: This is the day the Lord has made, I will rejoice and be glad in it! Ipanalangin mo sa Diyos na ma-handle mo ang anumang possible challenges and stress.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 13 =