5
MARCH 2021
Bag Raid!
Share with family and friends
Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
Mga Taga-Galacia 6:2
Nakapanood ka na ba ng bag raid?
Viral ngayon sa social media ang mga bag raid, kung saan hinahalungkat ng vlogger o video blogger ang dala-dalang bag ng kanyang guest at ine-expose ang mga laman nito sa viewers. Sa ganitong paraan, naaaliw ang followers lalo na iyong mga curious sa kung ano ang nasa loob ng bag ng kanilang idolo.
Kung tutuusin, lahat tayo ay may dalang bag. At tulad ng ating mga buhay, minsan ito ay organized, minsan magulo. May panahon na magaan ang ating dalahin, may panahon din na mabigat.
In real life, all of us carry our own baggage. Nagkakaiba na lang sa kung paano natin ito dinadala. Pero huwag kang mag-alala, dahil sabi sa Bible, hindi natin kailangan dalhing mag-isa ang ating mga bagahe. Hindi tayo nilikha ng Diyos para mabuhay mag-isa.
Nandiyan si Jesus na kasama natin lagi sa buhay. Lumapit ka sa Kanya at tanggapin ang Kanyang pangakong kapahingahan kung nabibigatan ka na sa iyong dinadala. Siya lang ang nakapagbibigay ng tunay at ganap na kapahingahan.
Nandiyan din ang mga taong nagmamalasakit sa iyo. May paalala kasi sa atin ang Galacia 6:2: “Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.” Kalooban ng Diyos na magdamayan tayo sa panahon ng kalungkutan at kagipitan. Sa ganitong paraan, maipapakita natin ang pag-ibig natin sa isa’t isa, gaya ng nais ni Cristo.
Maybe it’s time to do your own bag raid. Anong laman ng bag mo na nagpapabigat sa iyo? Family and relationships? Career o studies? A hurtful past? A big responsibility? Anong aspeto ng buhay mo ang kailangan mong ipagkatiwala kay Jesus? You can always entrust your baggage to God. Always. Gaano man kabigat, believe that He can lift your worries and fears. At madalas, para gumaan ang iyong pakiramdam, nagpapadala Siya sa iyo ng mga taong tutulong magpasan ng iyong mga kabigatan.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Jesus, salamat sa mga taong ipinapadala Ninyo sa akin para damayan ako. Panginoon, pinipili kong ipaubaya sa Inyo lahat ng dalahin ko. Lumalapit ako sa Inyo at naniniwala sa kapahingahan at kapayapaang dulot ng pagmamahal Ninyo. Amen.
APPLICATION
Kung meron kang mabigat na dinadala ngayon, maghanap ng isang taong maaaring makatulong sa iyo. Sa kabilang banda, lapitan mo ang isang taong maaari mo ring damayan.