11

DECEMBER 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya.

Mateo 14:30

Nakatitig si Girlie sa bintana, pinagmamasdan ang mga punong iwinawagayway ng hampas ng hangin. Rinig na rinig niya ang ugong ng hangin at pagbagsak ng malakas na ulan sa kanilang bubong. Ilang araw nang ibinabalita ang pagdating ng bagyong ito sa Florida kaya naghanda na sila. Bumili na ng extrang pagkain, tubig, baterya ng flashlight, at gasolina para sa generator. Dapat ba silang mag-evacuate? Liliparin kaya ang kanilang bubong? Babahain kaya ang buong komunidad? Marami siyang pangamba. Hanggang sa narinig niyang tumawag ang kanyang three-year-old na naglalarong mag-isa sa tabi ng bintana, “Mama, I love you!” Pakanta-kanta pa ito, walang kamalay-malay sa kung ano ang maaaring mangyari. Sana ganun pa rin ako, nasabi ni Girlie sa sarili.

Naalala ni Girlie nang nasa Pilipinas pa siya. Madalas ang bagyo at baha, pero masaya ang mga bata dahil walang pasok sa eskwela. Malamig ang panahon kaya naisusuot niya ang kanyang makapal na jacket galing sa States. Ang baha sa kalye ay ginagawang swimming pool ng mga tao, at kapag nakakita sila ng mga news camera, nakatawa ang lahat, nagsasayawan, naka “peace man” pa ang mga daliri at kumakaway. Kahit walang kuryente, parang piyesta. Bata pa siya noon at wala rin siyang naramdamang takot.

Ano ang nagbago? tanong ni Girlie, habang yakap ang pinakamamahal na anak. 

Matthew 14:22-32 tells the story of when Peter saw Jesus walking on water. Mula sa bangka ay nakalakad rin si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. Pero sinagip siya ni Jesus. Gaya ni Pedro, napapatingin na lang tayo sa mga bagyo ng buhay. Nakakalimutan natin ang source ng tunay na kapayapaan at protection sa gitna ng bagyo ― our Lord Jesus. Tumingin tayo sa Kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Aming Ama, You hold the universe in the palm of Your hands. Let Your Son Jesus shine upon our troubled hearts and drive away the storms that prevent us from seeing You. Grant us child-like faith that would keep our eyes on You always. Holy Spirit, minister to our weak spirits, strengthen our faith enough to say, “Jesus, tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!”

APPLICATION

Kung may bagyong parating, maging wise at maghanda. Pero huwag matakot. Paglipas ng bagyo, alamin kung may mga kapitbahay na kailangan ng tulong. Kung nais pang makatulong sa mas maraming nasalanta ng bagyo, visit Operation Blessing at https://operationblessing.ph/.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 2 =