21
JUNE 2021
Bakit Walang “Undo” sa Buhay?
Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.
Mga Taga-Filipos 1:6
Naisip mo na rin ba kahit minsan lang na mas okay kung may “undo” function in real life? ‘Yun bang with one click of your mouse, mabubura ang isang pagkakamaling nagawa mo?
Most of us don’t mind the embarrassing moments na bunga ng isang wrong move. ‘Yun bang pumunta ka sa airport para sunduin ang kapatid mo only to realize na bukas pa ang dating niya. O kaya after half an hour of waiting, tinawagan mo ang kabarkada mo para awayin siya dahil wala pa siya, only to find out na sa maling mall ka pumunta kaya hindi kayo nagkita. After a few seconds, you end up just laughing about the whole thing.
Pero ibang usapan ang mga pagkakamali na may long-term impact sa buhay natin. Ang desisyon na dahilan kaya naglaho ang isang inaasahang promotion. Ang casual pastime na naging masamang bisyo. Ang maling relasyon na hindi mo maatim na tapusin kahit alam mong nakakasama na ito sa iyo at sa kabilang party
When we finally gather the resolve to correct our mistake or get out of that situation, we find na hindi pala ganoon kadaling makawala rito. Hindi madaling makabawi.
Habang tumatagal, we start to wonder: Kailangan ko bang tanggapin na walang chance na ma-fulfill pa ang mga pangarap ko? Forever na ba akong ganito—a miserable failure, an example of “How to Ruin Your Own Life in Three Easy Steps”? Hanggang dito na lang ba ako?
Ayon sa Jeremias 29:11, may magandang plano ang Diyos para sa bawat isa sa atin.
Maaaring magkaroon ng delay sa fulfillment ng plano Niya kapag nagkamali tayo o naligaw ng landas, but be assured that this is not the end. Our God is all-powerful, but more than that, He is gracious, merciful, and all-loving. At dahil dito, He won’t forget you. He will find a way para ang magandang plano Niya para sa iyo ay magkatotoo.
LET’S PRAY
Lord, salamat sa reassurance na kaya Ninyong ayusin ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. You are my Creator and Redeemer. I will wait with hope, knowing that You can, and You will turn things around for my good and for Your glory.
APPLICATION
Magsimula ng isang “Gratitude Journal.” Araw-araw, isulat dito ang isang bagay that you are thankful for. When things are difficult, basahin mo ang mga isinulat mo rito para maalala how good the Lord has been in the past, so you can expect more good things from Him in the future.