14

FEBRUARY 2025

Basta Mahal Kita

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Honeylet Adajar-Velves

Naniniwala ka bang makakapagmahal ka lang ng tunay kung nasa puso mo ang pinagmulan ng tunay na pag-ibig? Tunghayan natin ang kuwento ni Earl at Beth sa pagpapatuloy ng last part ng ating series, “Pag-ibig na Tunay.”

“Halikayo at tayo’y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo’y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

Isaias 1:18

Earl just came out of the church after sincerely asking God for a wife when he saw the most beautiful woman for the first time. Her name was Beth. Sigurado siyang ito na ang sagot ni God sa kanyang panalangin. He was a bit surprised to find her getting out of a red-light district, but he continued pursuing her. Beth also wanted to be free from the life she was in, so when Earl offered him marriage, she saw this as a way out. Pero nang makasal sila, ilang beses nasaktan ni Beth si Earl. Since ang alam lang niyang trabaho ay ang pagiging sex worker, it was hard for her to turn back from her old ways. She would be gone for days, and her husband would look for her and take her back patiently. One day, she saw her husband beaten up by one of her customers, but he still loved and took her in. Tinanong niya ang kanyang asawa bakit ganoon na lang ang pasensya nito sa kanya. Sumagot si Earl, “Basta mahal kita.”

Grabe ang pag-ibig ni Earl sa kanyang asawa. Knowing her background and accepting her for who she is, masasabi nating nagawa niya ito dahil sa matinding grace at mercy ng Panginoon na nasa kanya. At kahit ilang beses siyang masaktan sa pangangaliwa ni Beth, lagi siyang handang magpatawad at tanggapin ito pabalik.

Ang unconditional love ni Earl para kay Beth ay gaya ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Kadalasan, nasasaktan natin Siya when we sin. Pero gaanuman tayo karumi, walang kasalanang hindi Niya kayang linisin. Kaya Niya tayong gawing singputi ng bulak. Nilinis tayo ng dugo ni Jesus nang Siya ay napako sa krus at dahil doon tayo ay napatawad (Hebrews 9:22; Romans 3:25). Panampalatayanan natin si Jesus at tanggapin ang Kanyang kapatawaran!

Ang tunay na pagmamahal sa kapwa, sa ating asawa, sa mga taong mahirap mahalin, at maging sa ating bansa ay magagawa lang natin kung nasa puso natin ang Diyos na Siyang unang nagmahal sa atin. Nawa’y maranasan natin ang Kanyang tunay na pag-ibig!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin po Ninyo ako for hurting You. I receive Your forgiveness through Jesus Christ. Salamat po. Turuan po Ninyo ako not to fall into sin. Amen.

APPLICATION

Think about how you have hurt God in any way this week. Meditate on God’s forgiveness, appreciate it, and receive it. Then try sharing this with a trusted person for accountability.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 4 =