13

FEBRUARY 2025

No Ordinary Love

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Welcome back to our series, “Pag-ibig na Tunay.” Let’s explore how we can love one another by the grace of God according to His will.

Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Ang mga makasalanan man ay marunong ding magmahal sa mga nagmamahal sa kanila. Kung ang mga nagmamabuti lamang sa inyo ang inyong gagawan ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan!; Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya’y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama.

Lucas 6:32-33; 35–36

Love ang isa sa pinakamasayang maramdaman ng isang tao. Ang magmahal at mahalin ay napakagandang karanasan. Pero paano when it’s not easy to love? Kaya mo pa rin bang magmahal kahit sa mga taong hindi kaibig-ibig?

A young Christian who worked for a major Philippine TV network remembered her unforgettable experience. For some reason, naging tampulan siya ng tsismis ng ilan sa kanyang mga kasamahan. Sa tuwing dadaan siya, damang-dama niya ang talas ng kanilang mga titig. Nahuhuli rin silang biglang magbubulungan. Pati ang isa sa supervisors ay mainit lagi ang dugo sa kanya. Pero wala ni isa sa kanila ang kumausap o nagsabi ng kung ano ang problema nila sa kanya.

One day she just broke down. Umiyak siya na parang batang nagsusumbong sa Panginoon. God spoke to her through today’s verses, like the Father telling her, “I want you to be Christ-like.” Napaka-comforting ng sinabi ng Diyos! She knew right then that God was shaping her character so she could live and love like Christ.

Included in the process of bearing God’s image is the ability to love like He does. Oo nga naman, kung ang mamahalin mo lang ay ang mabubuti sa iyo, wala kang magiging kaibahan sa mga masasama dahil kahit sila ay ginagawa iyan. Pero sa mundong ito, makikila kang anak ng Diyos kapag ikaw ay marunong magmahal at mahabag kahit pa sa mga taong hindi mabuti sa iyo. Posible ito hindi dahil sa sarili mong kakayanan, kundi sa nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos sa puso mo.

Join us again tomorrow for the last part of our series, “Pag-ibig na Tunay.” Enjoy God’s love and share His love!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo ako na magmahal at gumawa ng mabuti kahit sa mga taong nakakasakit sa akin. Hindi ito madali sa sarili kong kakayanan. Pero ito ay posible sa tulong Ninyo. Holy Spirit, help me to be like Jesus every day.

APPLICATION

Meron bang sitwasyon ngayon o nagdaang sitwasyon sa iyong buhay kung kailan nasaktan ka dahil inaway o sinalbahe ka nang wala kang kalaban-laban? Think of three ways na gagawin mo para makapagpakita ng Christlikeness the next time it happens.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 2 =