6

AUGUST 2023

Bayad sa Pinsala

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Welcome to our series “Jesus in the Old Testament Offerings.” Kahapon, nakita natin na ang sin offering ay isa sa compulsory offering under the Levitical system of the Old Testament, and how Jesus is the fulfillment of the sin offering. In the last part of our series, tingnan naman natin ang tungkol sa trespass offering.

Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito’y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya’y maisasagawa ang aking panukala.

Isaias 53:10

Nakakita ka na ba ng sign na “NO TRESPASSING” sa labas ng isang property? Kapag pinasok natin ang isang private na bahay, building, o kahit bakanteng lote na may ganitong sign, maaari tayong pagmultahin. Ang salitang “trespassing” ay kinakabit natin sa pagpasok sa property ng isang tao nang walang permiso, but the word “trespass” is an old word that means to commit an offense against a person or a set of rules. And under the Levitical system of sacrifices, may tinatawag na trespass offering o handog para sa kapatawaran ng kasalanan.

Like the sin offering, the trespass or guilt offering is also compulsory. Kung ang sin offering ay bilang pagkilala sa kasalanan ng tao laban sa Diyos, ang trespass offering ay hinahandog na may kasamang pagbabayad sa kapwang napinsala. Halimbawa, kapag ang isang Israelita ay nagnakaw, nagsamantala sa kapwa, at nag-angkin ng isang bagay na napulot niya, mag-aalay siya ng handog na tupa bilang pambayad sa ginawa niyang kasalanan sa kapwa niya. Bukod dito, isasauli niya at dadagdagan pa ang halagang ninakaw o inangkin (Levitico 6:1–7).

As the sin offering, Jesus paid for the guilt of our sin; as our trespass offering, He paid for the damage our sin has caused to others. Kahit ang pinakamalalang magagawa ng isang tao sa kanyang kapwa ay may kapatawaran sa pamamagitan ni Jesus. Nakatanggap ng kapatawaran ang mandarayang tax collector na si Zacchaeus (Lucas 19:1–10); ang magnanakaw sa krus (Lucas 23:39–43); at si Pablo na nagpapatay sa mga Cristiano (Mga Gawa 22:4–5). At ang pinantubos sa atin ni Jesus ay hindi ginto o pilak kundi ang Kanyang mahalagang dugo (1 Pedro 1:18–19).

The trespass offering, sin offering, burnt offering, grain offering, and peace offering all point to Jesus. His bloody sacrifice demonstrates the seriousness of violating God’s will and on the other hand, the richness of God’s grace. Thank you for joining us in our series “Jesus in the Old Testament Offerings.” May our confidence in Jesus as the ultimate sacrifice for our sins grow and may it motivate us to worship and live for Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, nakagawa po ako ng masama sa kapwa ko. I call on You for forgiveness and help para sa mga taong nagawan ko ng mali. I pray for Your mercy and grace upon them and myself. Tulungan Ninyo rin akong makabawi sa kanila. Thank You for being my trespass offering.

APPLICATION

Think about a person whom you have offended. Ask God for courage to ask forgiveness from this person. Ask also for wisdom on how you can compensate this person for the wrong you have done.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 3 =