5

AUGUST 2023

The Ultimate Solver of Sin

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Welcome to our series “Jesus in the Old Testament Offerings.” Today and tomorrow, we will look into the two offerings that are compulsory during the Old Testament times. Alamin natin ngayon ang isa rito.

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa bayang Israel kung ano ang dapat nilang gawin kapag sila’y nagkasala o hindi sinasadyang nakalabag sa alinmang utos ni Yahweh.

Levitico 4:1–2

As of August 2022, ang bilang ng mga taong naka-detain at sentensyado sa mga bilangguan sa buong Pilipinas ay umabot na sa 131,660. Panlima ang Pilipinas sa may pinakamalaking populasyon ng mga preso sa buong Asya. Pero kung tutuusin, ang bilang ng mga bilanggo sa buong mundo ay aabot sa bilyon! Iyan ay dahil lahat ng tao ay bilanggo ng kasalanan.

Maaaring masabi nating, “Grabe naman, wala akong ginawang krimen para makulong!” Maaaring sa tingin natin ay wala tayong nagawang krimen, pero ang Diyos ang nakakakita at naghuhusga kung tayo nga ay nagkasala. Ang sabi ng Roma 3:23, “lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”

Kaya sa Old Testament, nagbigay ang Diyos ng paraan para pansamantalang “maabsuwelto” ang sinumang Israelitang nagkasala nang di sinasadya. Ito ay sa pamamagitan ng sin offering o handog para sa kasalanang di sinasadya (Levitico 4). Ang sin offering ay paglalarawan ng sacrifice na ginawa ni Jesus. Siya ang korderong walang dungis (1 Peter 1:19). Kung paanong ang hayop na sin offering ay sinusunog sa labas ng kampo (Levitico 4:12), si Jesus ay ipinako rin sa labas ng Jerusalem (Mga Hebreo 13:12). Kung paanong ang dugo ng kordero ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan, ang dugo ni Jesus ang naglilinis sa kasalanan ng sinumang aamin na siya ay makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran (Mga Hebreo 9:22).

Hindi natin kailangang mamuhay na parang bilanggo ― alipin at sunud-sunuran sa kasalanan. Tanggapin natin si Jesus, ang tunay na sin offering (2 Corinthians 5:21), ang handog para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Lilinisin Niya tayo at palalayain para mamuhay nang tama at payapa.

Ang voluntary burnt offering, grain offering, at peace offering ay nagpapakita ng pagiging perpektong handog ni Jesus, pero ang sin offering ay nagpapaalala na may problemang dapat solusyunan: ang kasalanan. Jesus as the ultimate sin offering has solved the problem of sin. Bukas, alamin natin ang ikalimang Old Testament offering that is fulfilled in Jesus. Last part na bukas, kaya dont miss it!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, inaamin ko na ako ay makasalanan. Walang ibang paraan para maligtas at makalaya ako mula sa kasalanan maliban sa pamamagitan Mo. Tinatanggap Kita ngayon bilang aking Tagapagligtas. Salamat na nililinis Mo ako ngayon mula sa aking kasalanan at pinapalaya upang mamuhay sa katuwiran at kabanalan.

APPLICATION

Ipanalangin ang mga taong nag-aakalang wala silang kasalanan at hindi nila kailangan ng Tagagpagligtas. Hanggat may pagkakataon, ibahagi mo sa kanila ang Magandang Balita ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 1 =