8

FEBRUARY 2021

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Honeylet Venisse Velves

Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Mga Taga-Filipos 2:4

Naranasan mo na bang maitulak at masiksik dahil sa mga nagmamadaling pasahero ng MRT? O kaya naman makaharap ang isang masungit na tindera? Eh iyong masingitan sa pila? O ma-cut ng beast mode na driver sa daan? Naku, siguradong kahit galing ka sa simbahan, hindi maiiwasang mapabusina ka sa inis. Ang mga ito ang araw-araw na kinakaharap ng ilan sa atin na talaga namang nakakasubok ng ating pasensya.

Ang common notion ng pagbibigay ng compassion o pagmamalasakit sa iba ay ang pagsama sa charity events, medical missions, at pamimigay ng goods sa mga kapus-palad. Pero puwede nating i-exercise ang pagmamalasakit sa ating kapwa in our everyday encounters. Maituturing na compassion ang pag-unawa natin sa pinagdaraanan ng ibang tao. Maaaring ang nagmamadaling pasahero sa MRT ay susundo pa sa anak niyang dalawang oras nang naghihintay sa school, kaya naman hinahabol niyang makasakay na agad sa bagon. Maaaring si masungit na tindera naman ay iniwan ng kanyang long-time boyfriend. Si beast mode driver pala ay may emergency, may dadalhing pasyente sa ospital. So before we react, let’s try to withhold our judgment and try to understand others. Minsan na rin naman tayong naniksik sa ibang pasahero, naging masungit na kausap, or even beast mode na driver.

A lot of times, being compassionate simply means giving your smile. It means tapping your co-worker on the back and saying, “You’re doing well.” Minsan, ang pagmamalasakit ay hindi pagpatol kapag mainit ang ulo ng kausap mo. Walang natatalo sa pagmamahal sa kapwa. Since God is compassionate to you everyday, why not be compassionate to others as well? Sabi nga, let’s love each other as God has loved us (Juan 15:12).

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, teach me to love others everyday as You love me. Tulungan Ninyo akong i-exercise ang compassion sa ibang tao in every way I can. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Pray for someone who needs compassion today and send him a word of encouragement.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 10 =