25

MARCH 2021

Be kind to Widows and Orphans

by | 202103, Devotionals, You

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Lara Quigaman

Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila.

Exodo 22:22-23

Marahil hindi naman natin inaapi ang mga balo at ang mga ulila. Hindi natin sila sinasaktan o inaagrabyado. Pero kailan natin sila huling naisip o napansin? Alam natin na mahirap ang kalagayan ng young single mothers at ng kanilang mga anak. Para naman sa mga balo at ulila, hindi pa rin nila maiiwasan ang malungkot tuwing may mga okasyon gaya ng Father’s Day, Mother’s Day, at wedding anniversary. Napaka-importante ng emotional support system para sa mga balo at ulila, kahit anong edad ng mga ito.

Meron ding maituturing na “orphans” dahil sila lang sa kanilang pamilya ang tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas. Nag-iisa silang mananampalataya sa pamilya. Minsan, persecuted sila ng kanilang magulang at mga kapatid dahil sa kanilang faith. Mabuti na lang at mayroon tayong spiritual family na matatagpuan sa church.

Kung ikaw ay ulila o balo, tandaan mo na mahal na mahal ka ng Panginoon. Sabi nga ng Mga Awit 68:5, “Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.” Hindi ka nag-iisa at hindi ka Niya iiwanan! Bahagi ng utos ng Diyos sa mga Israelita noon ang huwag apihin ang mga balo at mga ulila. At maging si Apostol Pablo ay nagbilin kay Timothy na “tulungan ang mga biyuda na walang ikabubuhay” (1 Timoteo 5:3). Kaya bilang pagmamahal sa Panginoon, mahalin din natin ang mga balo at ulila.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat dahil binibigyan Ninyo ng pansin ang mga balo at ulila. Turuan Ninyo akong maging sensitive sa kanilang needs. Nais kong ipakita ang Inyong pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng time at paglilingkod sa anumang paraan.

APPLICATION

Mayroon ka bang kaibigan o officemate na ulila na? Mayroon ka bang kapitbahay na balo? Bakit hindi mo sila kumustahin? Spend some time with them. Kung may home for the aged o orphanage na malapit sa area mo, puwede kang mag-organize ng isang visit kasama ng iyong small group o mga kaibigan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 7 =