11
APRIL 2023
Becoming Like Christ
Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo’y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
Mga Taga-Filipos 2:6–8
Kahanga-hanga ang naging pagsunod ni Cristo sa kalooban ng Ama para iligtas tayo. Iniwan Niya ang langit at naging tao Siya upang sa takdang panahon, pagbayaran Niya ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng kamatayan sa krus. Kaya kung pananampalatayanan natin si Jesus bilang Tagapagligtas, magiging isa tayong bagong nilalang at tagasunod Niya.
When we have Jesus in our lives, a new, purified heart is transplanted into us. Nagiging bagong nilalang tayo (2 Corinthians 5:17). Because of His grace, God has poured His love into our hearts. The love of God in us will also result in our becoming obedient to Christ, who showcased a perfect example of obedience. “He humbled Himself in obedience to God and died a criminal’s death on a cross” (Philippians 2:8 NLT).
In a world where people are caught up in a fiercely competitive struggle for wealth or power, it is possible to become like Christ. Sa biyaya ng Diyos, makakapamuhay tayo gaya ni Cristo. Kapag lumapit tayo sa Kanya at kinilala Siya, kapag pinag-aaralan natin at isinasapuso ang Kanyang Salita, ipapaunawa sa atin ng Holy Spirit how we can live in obedience to God and His commands. Maisasabuhay natin ang sinabi ni Apostle Paul, “Kayo’y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa’t isa” (Mga Taga-Efeso 4:2).
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa Inyong biyaya! Ipinagkaloob Ninyo si Jesus para iligtas kami at upang bigyan kami ng pusong masunurin at puno ng pag-ibig. Sa biyaya Ninyo, makakapamuhay din akong gaya ni Cristo.
APPLICATION
Magbasa araw-araw ng Salita ng Diyos at maging bukas sa ituturo ng Holy Spirit kung paano mo ito ipapamuhay sa praktikal na paraan.