15

JUNE 2022

Becoming Like Christ

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Shiara Denise Cano

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.

Mga Taga-Roma 6:6

Naririnig mo ba ang mga salitang, “Kala ko ba born-again ‘yan. E bakit ganyan ang ugali?” O di kaya, “Simba nang simba palamura naman!” Meron ding, “Post pa ng verse sa Facebook pero ang gulo naman ng buhay!” Mataas talaga ang standard ng tao pagdating sa isang Christian.

Malaki ang pagkakaiba ng kilala talaga si Jesus at interesado lang sa gawaing-Christian. Sabi ni Jesus sa John 15:15, “I no longer call you servants, because a servant does not know his master’s business. Instead, I have called you friends, for everything that I learned from my Father I have made known to you. If we are united with Christ, it means na may ebidensya rin sa ating buhay na may relationship tayo sa Kanya.

What does it mean to be identified with Christ? Bilang isang Christian meron tayong distinction or pinagkaiba sa isang tao na walang relasyon kay Cristo. Sa isang pamilya masasabi mo na sila ay mag-ama o mag-ina hindi lang dahil sila’y magkamukha kundi pati na rin sa kanilang kilos at pananalita. In the same way, dapat na pagkakahawig din ang ginagawa at sinasabi natin kay Jesus if we call ourselves Christians.

According to John 15:5, kung tayo ay nananatili sa Kanya, masagana ang ating bunga. So what fruits do we produce when we are identified with our Savior? We produce the qualities that make up the fruit of the Holy Spirit as mentioned in Galatians 5:22-23 — love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control.

Kung ang nakikita sa iyo ng tao ay malayo sa qualities ni Christ, ask the Lord to check your heart para maipakita sa iyo ang iyong pagkukulang. Malinaw ang sinasabi sa 1 Juan 2:6, “Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Mahal kong Panginoon, gusto ko pong ma-identify bilang anak Ninyo. Tulungan po Ninyo ako na mamuhay ng naaayon sa iyong kalooban at ng katulad ng Iyong anak na si Jesus.

APPLICATION

Manalangin, magpakumbaba, at magpasiyasat sa Holy Spirit. Seek God through reading the Bible. Be aware sa bawat kilos, pananalita, at pag-iisip sa kapwa kung ito ba ay nagbibigay ng kapurihan sa Diyos.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 1 =