16

JUNE 2022

When It Doesn’t Make Any Sense

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Prexy Calvario

Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.

Lucas 5:5b

“Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli,” sinabi ni Jesus kay Peter matapos Niyang mangaral. Sa mga mangingisda, mas malaki ang chance na makahuli kapag gabi kaysa sa umaga. Kadalasan nga kapag maliwanag ang buwan ay halos walang huli o kakaunti ang nahuhuling isda. At bilang professional fisherman, alam ito ni Peter kaya sumagot siya, “Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli!” (v. 5a) Si Jesus ay isang karpintero habang ilang taon nang mangingisda si Peter. Sino si Jesus para paniwalaan ni Peter?

But surprisingly, Peter agreed. Sumunod si Peter base sa pagkakakilala niya kay Jesus bilang guro, at matapos marinig ang pangaral Niya. Ngunit nang makita niya ang “it-doesn’t-make-any-sense” na dami ng huling isda matapos niyang sumunod, lumuhod si Peter sa harap ni Jesus at sinabi, “Layuan po ninyo ako, Panginoon, sapagkat ako’y isang makasalanan” (v. 8). Suddenly, everything made sense to Peter. Mula sa tawag na guro, tinawag na Niya si Jesus na Panginoon. Kaya pala maraming huling isda dahil si Jesus ay Panginoon. Now, it makes sense!

Meron bang pinapagawa sa iyo si God? Ang problema, you have some doubts because it doesn’t make sense to you. Or maybe God is telling you to leave your current job even if you’re already very successful. Or to stay even if the situation looks hopeless. Like Peter, God calls His people to obey Him without delay (Psalm 119:60). Even if God’s Word doesn’t seem to make sense to you, we can trust that obeying God makes a lot of sense.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo akong magtiwala sa Inyong Salita. Help me fight my doubts and unbelief. Empower me through Your Holy Spirit to boldly trust and obey Your Word. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

In your journal, write to God to reveal to you through His Word what He wants you to do. Ask Him to help you obey His Word without delay.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 2 =