14
JUNE 2022
Having the Right Heart to Help
Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.
Mateo 6:1
Ang sarap sa pakiramdam ng makatulong sa iba. Sa totoo lang, mas masarap pa ito sa pakiramdam ng ikaw ang matulungan. There is a sense of fulfillment in helping others. Ibang klase ang joy. This explains kung bakit marami ang nagvovolunteer, nadodonate, at nagbibigay sa mga nangangailangan. Pero ang tanong: Tama ba ang puso natin sa tuwing tumutulong tayo at nagbibigay?
In today’s verse, nilinaw ni Matthew ang tamang panuntunan sa pagtulong. Helping others can be a selfless act, but can also be a selfish one when done with the wrong motive. May babala sa paggawa ng tulong para lang maipagmalaki ito o maipamalita sa iba. Minsan kasi, nagiging paraan ang pagtulong para makilala o mapansin tayo. We want to hear others say to us, “Ang bait mo naman!” Kung tayo ay magbibigay ng tulong, we should do it with the right heart, like what prompted Jesus to love the whole world. We help others dahil una tayong minahal ng Diyos na hindi naghangad ng kapalit o kabayaran.
Hindi natin kailangan ang papuri ng tao. So don’t worry about not getting any credit after helping dahil nakikita naman ng Panginoon ang laman ng ating puso. Siya ang magbibigay ng gantimpala sa ating mabubuting gawa. Sabi nga sa Mga Kawikaan 19:17, “Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.”
When we help others to glorify Jesus, our love and knowledge of our Lord will deepen all the more. Let’s help others with the right heart.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, turuan Mo po ako magmahal at tumulong nang walang kapalit. May I be a reflection of Your goodness, para makilala Ka nila sa pamamagitan ko. Amen.
APPLICATION
May mga nagawa ka bang pagtulong sa kapwa o mahal sa buhay na selfish naman ang motives mo? May mga post ka ba sa social media ng mga mabubuting ginawa mo na sa tingin mo ay hindi na dapat malaman ng ibang tao? Ask God to change your heart and do what is right.