18

APRIL 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi P. Buizon & Written by Felichi P. Buizon

“Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Lucas 23:41-43

May isang estudyante na napagbintangan ng teacher pero wala naman talaga siyang kasalanan. Ipinagtanggol siya ng dalawa niyang kaklase, which started their friendship. Kahawig nito ang eksena na nangyari more than 2,000 years ago.

Naalala ba ninyo ang crucifixion ni Jesus? ‘Di ba tatlo ang krus na itinayo sa Kalbaryo? Dalawang kriminal ang kasabay Niya. Kung napanood ninyo ang pelikula ng buhay Niya, napansin ba ninyo ang mukha ni Jesus nang Siya ay ipinagtanggol ng isa? Hindi kataka-taka na ang pagtatanggol sa Kanya ay nagbigay ginhawa sa ating Panginoon. Paano naman, ang mga huling oras bago Siya ay namatay ay punung-puno ng ingay. Ingay ng pangungutya, ng pagbibintang, at pagtanggi sa Kanya. It was the world against Jesus.

Sa gitna ng nakadudurog na eksena, may nangusap at nagtanggol sa Tagapagligtas, “Tama lamang na tayo ay parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito ay walang ginawang masama” (Lucas 23:41). Natatanging tinig na napansin ni Jesus. Boses na may pagkumbaba at pagsisisi. Tila boses din ng isang kakampi sa oras na nakaramdam Siya ng matinding kalungkutan. Heto ang isang nanalig at naniwala kahit mukhang talunan na ang Panginoon. Jesus honored the man’s faith, humility, and repentance. Taglay ang bagong sigla, sinuklian Niya ng masigasig na pagtanggap ang kriminal. He promised, “Sinasabi ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso.”

We can learn a lot from this humble criminal. Una, marami ang dumadaan sa matinding pagsubok. Be kind. Tularan natin ang puso niya na handang ipagtanggol at i-encourage ang naghihirap. Pangalawa, believe, be humble,  and be saved. Inamin niya ang kanyang kasalanan and his need for a Savior. Kahit di pa man niya naaninag ang katuparan ng pagiging Panginoon ni Jesus, tiyak siya na may kaharian ito at nais niyang makarating dito. Hindi siya tinanggihan ni Jesus at doon nagsimula ang kanilang walang hanggang pagkakaibigan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat at handa Mong tanggapin ang puso kong makasalanan. Inaamin ko na kailangan Kita, kailangan ko ang Iyong pagpapatawad, kaligtasan at ang Iyong pinapangakong Paraiso sa sinumang manalig sa Iyo. Tulungan Mo rin akong maging daluyan ng Iyong pagmamahal para sa mga taong may matinding pinagdadaanan. Amen.

APPLICATION

There are many believers na nakakaranas ng matinding persecution, lalo na sa ibang bansa. Commit to pray for them daily this week. 

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 6 =