3

FEBRUARY 2021

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Rebecca Cabral

Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan. Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw. Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak.

Mga Kawikaan 31:25-28

Gaano mo kamahal ang iyong ina? Paano mo ipinadarama ang iyong pagmamahal sa kanya? When was the last time you told her that you love her? Do you cherish every moment with her? O wala ka man lang panahon para sa kanya? Day in, day out, halos hindi mo siya napapansin. Pati almusal na inihahanda niya ay nababale-wala dahil palagi kang nagmamadaling umalis. Pag-uwi mo sa bahay, ganoon din. Tuloy-tuloy ka sa iyong kuwarto at hindi mo na pinansin ang nakahandang hapunan para sa iyo. Kapag pinapangaralan ka o pinapa-alalahanan, sumasagot ka nang pabalang. Alam mo bang ang pangaral ng magulang ay nagbibigay karunungan? Sa kabilang banda, kapag nakinig naman tayo sa kanya, magiging karangalan niya tayo.

Isa na marahil sa pinakamahirap na tungkulin ang gawain ng isang ina. Isipin na lang na sa loob ng siyam na buwan, dinala niya tayo sa kanyang sinapupunan. Hindi niya inalintana ang hirap ng pag-aaruga mula nang iniluwal niya tayo sa mundo. Siya ang nakatutok sa ating paglaki. Siya ang nagdadala sa atin sa clinic para sa kailangang bakuna. Kapag tayo ay nagkakasakit, siya ang nagbabantay, nagpapakain, at nagbibigay ng gamot na kailangan nating inumin. Nang umabot na tayo sa school age, siya ang nage-enroll para sa atin. Binabantayan niya tayo sa mga unang araw ng klase hanggang sa masanay na tayong nag-iisa. Sa ating pagdadalaga, naroroon siya upang gabayan tayo sa nagiging pagbabago sa ating katawan. We may not be aware of it, pero sa tuwina’y ipinagdarasal niya tayo para sa ating kaligtasan at kabutihan.

Bagama’t hindi niya madalas sabihin na mahal niya tayo, ang tapat niyang pagganap sa kanyang tungkulin at sakripisyo ay naghuhumiyaw na katotohanan ng kanyang pagmamahal. Balang araw, hindi na natin makakasama ang ating ina. Pagdating ng panahong iyon, masasabi nating, “Miss ko si Nanay. Sana nandito pa rin siya.” Kaya ngayon pa lamang na kapiling pa natin siya, i-honor siya at ipadama ang ating pagmamahal.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, maraming salamat sa buhay ng aking mapagmahal na ina. Maraming salamat sa lahat niyang sakripisyo. Pinagsisisihan ko ang lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Salamat sa pagpapatawad Ninyo sa akin, Panginoon, sa mga pagkakataong pinagwalang-bahala ko ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na ibinuhos niya sa akin. Tulungan Ninyo ako na maging isang mabuti at mapagmahal na anak, simula ngayon. Amen.

APPLICATION

Humingi ka ng tawad sa iyong ina. Ipangako mo na magiging mabuting anak ka, nagmamahal, at gumagalang. Make it your goal to spend more time with your mom. Cherish every moment of it.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 14 =