9

NOVEMBER 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.

Mateo 5:44

Magkaibigang ibon na nakakulong sa iisang hawla sina Red at Blue. Isang araw, aksidenteng naiwang bukas ang gate. Makakalaya na ako, ang magkaparehong bulong nila sa sarili. Nag-unahan sila sa paglabas ng maliit na gate kaya naman nagkasakitan sila. Sa galit ni Red, tinuka niya ang pakpak ni Blue para makaganti. Because of the pain, hindi makalipad si Blue. Sa huli, pareho silang hindi nakatakas mula sa loob ng hawla.

Gaya ng mga ibong ito, madalas nalalagay tayo sa sitwasyon na inuuna natin ang ating sarili. When we do this, we tend to offend and hurt other people, or we ourselves get hurt. Madalas, when we are in pain, nagiging katulad tayo ni Red na gustong gumanti, hoping that our enemy will also feel the hurt we experienced. Minsan naman, katulad tayo ni Blue. Our pain hinders us from moving forward in life. Kapag naka-focus tayo sa paghihiganti sa ating mga kaaway or sa sakit dulot ng offense nila sa atin, hindi tayo makakalaya sa hawla ng galit o sakit.

This — to harbor anger or to wallow in pain — is not what God wants us to do. He wants us to love our enemies and even pray for them. Grabe, ang hirap gawin nito! Pero kung iisipin natin, maraming beses nating nasasaktan si God pero He continues to shower us with His forgiveness and grace through His Son, Jesus Christ.

Totoong mahirap magpatawad, pero posible! And through Jesus, He will also give us the grace to love our enemies. Don’t be like any of these two birds. Remember that Jesus can set us free.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, sobrang sakit po ng ginawa sa akin. Pero I also want to forgive, just as You forgive me even when I don’t deserve it. Give me the grace to love my enemy. Palayain Ninyo po ako sa bitterness na nararamdaman ko.

APPLICATION

While you were reading this, may ipinaalala bang tao si God sa iyo? Do you want to free this person from the cage of hatred you created? Ask God for grace and take that first step of forgiveness by including him/her in your prayers.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 12 =