18

NOVEMBER 2022

Cancel that Knee-Jerk Reaction

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng bago.

2 Mga Corinto 5:17

When things do not go your way, ano ang nangyayari? Nagagalit ka ba? Nakakapagsabi ng hindi magagandang salita? Hindi mo na mabilang kung ilang beses mong sinabi sa sarili na pipilitin mong magbago pero eto ka na naman. Hindi mo sinadya. Naiinis ka kasi hindi mo napigilan ang sarili mo. Pero hindi ka na nakapag-isip. Basta na lang lumabas ang reaction na yon.

Isa sa mga tini-test ng mga doktor ang knee-jerk reflex ng isang pasyente. Kapag tinapik ang isang area sa ilalim ng tuhod, automatic na napapasipa ang pasyente. Ganyan din ang nangyayari sa atin kapag may nangyayari that makes us feel powerless o worthless, or taken advantage of. We lash out by cursing, screaming, or hurting people back.

Alam nating toxic ang behaviors na ito. They can destroy relationships. They can hurt the people around us. Hindi nakaka-glorify ang mga ito kay Lord. But for some reason, we just can’t stop. Sa mga pagkakataong ito, kailangan nating tandaan that the Lord doesn’t expect us to change on our own. It is by His grace kaya tayo nagiging bagong nilalang at napapalitan ang dati nating pagkatao.

It’s not easy for everyone. Some of us struggle dahil masyadong malalim ang dinadala nating pain. But remember, kung papayagan lang natin si Lord, He will heal our broken hearts and give us emotional healing (Psalm 147:3). Kapag pakiramdam natin na justified ang galit natin, we struggle with the idea na hindi man lang tayo makakaganti gamit ang masasamang salita sa taong may ginawang mali sa atin. Panghawakan natin ang sinabi ni Lord na Siya ang maghihiganti para sa atin (Deuteronomio 32:35).

May dahilan kung bakit binabanggit sa salita ng Diyos na kailangan nating ipaglaban ang ating pananampalataya (1 Timoteo 6:12). We have to go against our nature so that we would be more Christ-like every day. Pero hindi natin ito kailangang gawin in our own strength. All we need to do is surrender ourselves to the Lord.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, let me be transformed by your love. Let there be less of me and more of you.

APPLICATION

Isulat ang #1 “knee-jerk reaction” na gusto mo nang mawala sa buhay mo. In your prayer time, declare na tatanggalin ito ni Lord sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 9 =