29

JUNE 2021

Change the Way you think

by | 202106, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Joyce Burton Titular & Written by Olga Vivero

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

Mga Taga-Roma 12:2

Since magkaroon ng milk tea shops sa Pilipinas, milk tea has become a staple to many Filipinos. Sa pagdami ng flavors, dumami rin ang fans who would do anything just to satisfy their milk tea cravings.

Pero ayon sa isang nutritionist at dietician, mataas ang sugar content at calories ng milk tea and too much of it could lead to diabetes and heart problems. Isipin mo, hindi pala lahat ng uso ay makakabuti sa iyo. Hindi porke’t everyone is doing it, gagawin na rin natin. Not just because many say it’s alright, sasang-ayunan na natin agad nang hindi pinag-iisipang mabuti.

Kaya nga ang sabi sa Mga Taga Roma 12:2, “Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

The mind can store a big bulk of data. Lahat ng naa-absorb nito ay pumapasok sa subconscious at maaaring makaapekto sa ating moods, perspectives, at habits kalaunan. Eventually, what we allow in our minds can become who we are. Tulad ng sinabi sa Proverbs 23:7a (NKJV), “For as he thinks in his heart, so is he.Paano kung nalalayo na tayo sa original na gusto ng Panginoon para sa atin?

Kaya, let’s be vigilant in filtering our thoughts and changing the way we think. It may not be easy at first dahil sa iba’t ibang klase ng media at taong nakakasalamuha natin araw-araw, but we can ask the Lord to take our thoughts captive to Him. Don’t dwell on ungodly thoughts but let’s fill our minds with the Word of God. Ang hindi pag-ayon sa takbo ng mundong ito would make us mentally and emotionally healthy.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Father, help me to dwell on the things that only bring glory to You. Ilayo Ninyo ako sa  thoughts at klase ng pamumuhay na hindi nakakalugod sa Inyo. In Jesus’ Name, Amen.

APPLICATION

I-check natin ang mga bagay na naiisip natin araw-araw. Are these true, honorable, right, pure, lovely, admirable, excellent, or praiseworthy? (Philippians 4:8) Check also your way of thinking. Naaayon ba ito sa Word of God? Kung hindi, let us ask the Lord to take these thoughts captive and make it obedient to Christ (2 Corinthians 10:5).

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 11 =