11
FEBRUARY 2024
Circle of Friends
Welcome back to our series “Love in Action”. Kung may mga kaibigan kayo, tawagin n’yo sila at pakinggan natin ang devo natin ngayon.
Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
Mga Taga-Galacia 6:2
The Trio. Ito ang tawag sa barkada nina Jirah, Collin, at Mishael. Noong simula ng school year, walang mag-aakalang magiging matalik na magkakaibigan ang mga ito. Bukod sa limitations ng online school, magkakaiba sila ng ugali. Pero nang magsimula nang mag-transition to face to face classes, doon nila na-realize na nag-click ang personalities nila. Bukod sa pagiging class officers dahil si Jirah ang class president, si Collin ang vice president, at si Mishael ang secretary, magkakatugma rin ang kanilang sense of humor, love for music and movies, maging ang discipline nila sa academics. Each time may sasalihang contest ang bawat isa, they make sure to be present to cheer each other up. Kapag may school performance and reporting, they encourage one another kahit magkakaiba sila ng groupings.
Their friendship grew even stronger noong may pinagdaanan ang dalawa sa kanila. They became each other‘s support system. Each one proved to be sympathetic of each other. They made sure they‘re available even if only to listen or to just have somebody sitting beside them. When one of them was going through something, the other two made sure na may handang makinig at magsakripisyo ng oras para samahan ang nalulungkot.
What a gift it is to have somebody with us. Besides, tayo ay nilikha upang maging blessing sa ating kapwa. Dalangin ko na buksan natin ang ating buhay para sa iba. God will be honored if we can be the best kind of friend to others, with something worthwhile to share.
Thank you for joining us once again. We hope to see you tomorrow for the continuation of our series “Love in Action”.
LET’S PRAY
God, salamat sa mga taong dinala po Ninyo sa aking buhay. Salamat dahil ginagamit po Ninyo sila para maging encouragement sa akin. Gamitin rin po Ninyo ako para maging blessing sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Ang aking buhay ay gawin Ninyong paraan para maramdaman ng aking mga kaibigan na Kayo ay buhay at tunay na nagmamahal sa amin.
APPLICATION
Do you have a circle of friends na matatawag mong reliable support group mo? Alamin kung paano mo sila maipagpe-pray o matutulungan sa kanilang mga pinagdadaanan. Pasalamatan mo rin sila for being there for you during the times na kailangan mo ng tulong at nandiyan sila para sa iyo.