10
JULY 2023
Commander
Nilapitan ito ni Josue at tinanong, “Ikaw ba’y isang kakampi, o isang kaaway?” “Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako’y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.” Nagpatirapa si Josue at sumamba.
Josue 5:13b-14a
Lahat tayo ay may hinaharap na challenges sa buhay. May mga maliliit at mayroong sobrang laki kaya nagdududa tayo kung kaya natin itong i-overcome. Ganito siguro ang naramdaman ni Joshua noong nili-lead niya ang Israelites papasok sa Promised Land.
Matatandaan na isa si Joshua sa mga pinadala ni Moses para mag-spy sa Promised Land (Numbers 13). Pero dahil hindi naniwala ang mga Israelita na masasakop nila ang Canaan, nakasama pati si Joshua sa mga hindi pinapasok sa Canaan hangga’t hindi namamatay ang lahat ng Israelitang edad 20 pataas. Pero nang namatay na ang mga Israelitang ito, si Joshua ang pinili ni Lord na manguna sa bagong henerasyon ng Israelites para maangkin ang Lupang Pangako.
Sa lahat ng pinagdaanan ni Joshua, could it be na pinanghinaan siya ng loob? Sa kabila ng pangako ni Lord sa kanya (Joshua 1:2-9), sa kabila ng magandang report ng dalawang spies na pinadala niya sa Jericho (Joshua 2:24), hindi malayo na may doubt si Joshua kung kaya niyang pangunahan ang mga Israelita sa pagpasok sa Promised Land. Kay Lord wala siyang duda; kaya ni Lord ito! Pero siya?
Kaya nang maharap si Joshua sa isang armadong lalaki malapit sa Jericho na nagpakilalang commander ng army ni Yahweh, nagpatirapa siya at napa-worship. Siguradong lumakas ang loob niya. Bakit? Hindi lang siya tutulungan ni Lord, si Lord mismo ang mangunguna sa kanila at magbibigay ng victory. Kung nahaharap ka rin sa isang challenge, magpasakop ka kay Jesus Christ, ang Commander ng buhay mo. Hindi ka lang Niya sasamahan, pangungunahan at ipaglalaban ka Niya. Bibigyan ka Niya ng victory!
LET’S PRAY
Lord Jesus, nagsa-submit ako sa Inyo as Commander ng buhay ko. Isinusurrender ko po ang buong sarili ko sa Inyo. Pangunahan po Ninyo ako sa way na dapat kong daanan. Nagtitiwala ako na kapag sasama ako sa Inyo, mapapabuti ako anuman ang mangyari.
APPLICATION
Isulat sa isang papel ang hinaharap mong malaking challenge. Basahin ang Isaiah 43:2-3; Matthew 28:20; John 14:18, 23; Deuteronomy 1:30; and John 16:33. Believe na sasamahan at tutulungan ka ng Diyos sa pagharap sa challenge na ito!