21
FEBRUARY 2023
Connect with God
Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.
Juan 15:7
“Hindi ko alam kung paano mag-pray.”
Narinig mo na ba ang statement na ito mula sa ibang tao? O baka ikaw mismo, nasabi mo rin ito.
Ang panalangin ang paraan para maka-connect tayo sa Panginoon. Kasama ng pagbabasa ng Kanyang Salita, ang prayer ay nakakapagpalalim ng pagkakakilala natin sa Panginoon. Pero kung kulang na nga ang maghapon para pagkasyahin ang lahat ng kailangang gawin, kung kabi-kabila ang distractions at pinagkakaabalahan, paano pa tayo kokonekta sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin?
Pansinin natin ang napakagandang invitation sa atin ng Panginoong Jesus sa Juan 15:7: “Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.” Tinatawag tayo ni Jesus para manatili sa Kanya. Gusto Niyang matutunan natin kung ano ang kalooban Niya dahil kung alam natin, iyon ang hihingin natin at tiyak na ibibigay Niya.
Kung hindi mo alam kung paano manalangin, simulan mo sa pagbabasa ng Bible. Habang nananatili ka sa pagbabasa ng Kanyang Salita, matututunan mo ang mabubuting bagay na gusto Niya para sa iyo. Then you can genuinely ask the Lord for these things, and He will give them to you. Sa oras na ma-realize natin ang kahalagahan ng panalangin sa araw-araw, we will be inspired to always pray and have a fruitful and happy life with God. Halika, manalangin tayo.
LET’S PRAY
Ama sa Langit, maraming salamat dahil nananatili Kayo sa akin. Salamat dahil lagi Kayong nariyan para makinig. Gusto ko ring manatili sa inyo—patuloy na nagtitiwala at patuloy Kayong kinikilala. Ipakita po Ninyo sa akin ang mga bagay na kapag hiniling ko ay tiyak Ninyong sasagutin. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Maglaan ng consistent time para sa prayer. Spend time also reading the Word of God. Maging excited lagi na kumonekta sa Diyos.