29
MAY 2021
Conquering the Promised Land
Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob sapagkat ikaw ang mamumuno sa bayang ito sa pagsakop nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako sa inyong mga ninuno.
Josue 1:6
Marami na ang nagkagustong magkaroon ng sariling kotse at nang magkaroon sila nito, na-realize nila, mahal pala ang gas at maintenance. May iba namang nangarap magkaroon ng asawa pero hindi nila inexpect that there will be misunderstandings because of their differences. Our journey doesn’t end after achieving our dreams. Kadalasan, kailangan natin itong ipaglaban, panatiliin, o alagaan.
Gaya na lamang ng Lupang Pangako ng Diyos sa mga Israelita noong panahon ni Moses. After forty years in the wilderness, they finally get to see the Promised Land. During that time, si Joshua na ang itinalagang leader para sa kanilang pagpasok dito. Ngunit sa pagsilip nila doon, they saw giants and knew that it will not be easy to take the land. Imagine, after so many years of looking forward sa pangako ni God, ngayon kailangan pa nilang makipaglaban para makuha ito. Kaya naman sinabi ni God kay Joshua, “Be strong and courageous” (Joshua 1:9).
Ganito rin tayo sa mga pangarap natin. There will still be challenges after achieving our goals. But take heart, God has given us the strength to conquer our own Promised Land and make sure it will be ours for a long time, if not for the rest of our lives.
LET’S PRAY
Lord, salamat po for fulfilling Your promises to me. Bigyan po Ninyo ako ng lakas ng loob para harapin whatever giants I’m facing right now. I know that I can do all things through Christ who strengthens me. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Isulat ang mga pangakong tinupad na ni God sa buhay mo. Kapag nahihirapan ka, balikan ang listahang ito para makita mo kung paano ka pinagtagumpay ni God sa bawat sitwasyong isinulat mo. Sa biyaya ng Diyos, lakasan mo ang iyong loob at magpatuloy ka.