26
APRIL 2025
Creative? Ako?
Sila’y binigyan niya ng pambihirang kakayahang gumawa ng gawain ng mga dalubhasang mag-uukit, taga-disenyo, pangkaraniwang manghahabi at ng manghahabi ng lanang asul, kulay ube at pula at ng pinong lino. Kaya nilang gawin ang anumang uri ng gawain.
Exodo 35:35
“Hindi naman ako creative o artistic, boring ako,” sabi ng isang kaibigan. Pero huwag ka, ang galing niyang magluto! Minsan nag-iimbento siya ng sarili niyang dishes gamit ang kung anu-anong nasa kitchen, tulad ng egg salad na may secret ingredient, or adobo with a twist! Hindi siya mahilig kumanta o magaling mag-drawing (activities we think of when the words “creative” or “artistic” are used) pero masasabi ko na creative siya when it comes to food, and cooking is definitely an art!
We can be artistic in different ways because our Creator God has created us in His image. Dahil creative si God, mayroon din tayong taglay na creative spark na puwede nating gamitin sa iba’t ibang bagay at lugar. Nang piliin ni Lord sina Bezalel at Oholiab (see Exodus 35), ipinadala Niya ang Holy Spirit para bigyan sila ng extra-special creativity para sa building project na kailangan nilang tapusin.
As believers, the Holy Spirit is with all of us today and creativity is something we can inject in whatever we do, kahit everyday actions or activities. Dine-decorate natin ang ating bahay, kuwarto, o work desk. We plan our OOTDs. We can serve the Lord using creativity, hindi lang sa creative arts (like singing, dancing, playing instruments, and writing) but by creating and developing relationships sa ating pamilya at komunidad, para makapag-minister sa iba. At kung ikaw naman ay isang creative professional or nasa creative industry, rejoice and praise God that your creativity gives you income!
Lahat ng tao ay puwedeng i-develop ang creativity sa kanilang buhay. Start by being curious, gumawa ng connections sa iba’t ibang bagay at tao, and pray for the Holy Spirit’s guidance and inspiration.
LET’S PRAY
Lord, maraming salamat sa gift of creativity. Please show me the areas in my daily life or routine where I can practice creativity, so that I may honor this gift and glorify You.
APPLICATION
Meron ka bang spark of creativity? The answer is yes! Mag-isip ng isang area or task sa iyong buhay kung saan maaari kang magdagdag ng kaunting creativity, tulad ng pag-decorate ng kuwarto, pag-organize ng event, pagluto, atbp.
SHARE THIS QUOTE
