24

JUNE 2023

Cross Fingers and Knock on Wood

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Abi Lam-Parayno

Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma, at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala; ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos.

Awit 20:7

Isa ka ba sa mga taong nagko-cross fingers kapag may wish kang gustong matupad? Tipong, gusto mong mabunot ang pangalan mo sa raffle. O kaya’y gusto mong madampot ng claw machine ang stuffed toy na natitipuhan mo. Nagko-cross fingers ka rin ba kapag may hinihintay kang tawag na alam mong magbibigay sa iyo ng good news?

Other similar gestures include knocking on wood to avoid being jinxed and locking pinky fingers to make a promise. As a 2017 song goes, “Cross my heart and hope to die.” Somehow these weird gestures ay nakikita nating ginagawa hindi lang ng mga youth, kundi ng mga, as the Gen Z calls it, the “boomers.” 

The truth is that crossing fingers won’t make your name be drawn in the raffle. Knocking on wood won’t close a door of opportunity if it is God who opened it for you. Hindi rin kasiguraduhan na mapapako ang pangako ng kaibigan mo just because you locked pinky fingers with her. 

All these are futile dahil wala silang kinalaman sa mangyayari sa buhay mo. Si God lang ang makakapagsabi kung mananalo ka ba, mapopromote o mae-engage. Sabi nga sa verse 7 ng Psalm 20, “Some trust in chariots and some in horses, but we trust in the name of the Lord our God.” Walang karwahe ang mas tutulin pa sa perfect timing ng promises ni Lord. Walang kabayo ang mas malakas pa sa kapangyarihan Niya. Walang kaharian ang mas gagaling pa sa Banal na Salita ng Diyos. Tiyak na kapag ang iyong pananalig ay na kay Lord, siguradong good, pleasing, and perfect ang will Niya para sa iyo (Romans 12:2).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for You have forgiven me for the times na iniangkla ko ang aking tiwala sa mga maling tao at bagay. Tulungan po Ninyo ako na sa Inyo lang magtiwala. Remind me that Your power and faithfulness are enough.

APPLICATION

Nakakapit ba ang iyong tiwala sa isang tao, sa iyong trabaho o kumpanya, o sa iyong bank account? Ano ang dangers ng pagtitiwala sa mga ito at hindi kay Lord? Make a commitment with God today that you will put your trust only in Him.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 1 =