24

FEBRUARY 2022

Crying Is a Sign of Life

by | 202202, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Alma S. de Guzman

Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko’y nakasulat sa iyong aklat.

Awit 56:8

In a flight bound for Davao may nakasabay si Teacher Ness na pamilya with a baby. While Teacher Ness was silently praying, she heard the baby cry. Napalingon siya and smiled at the baby’s mom. Pinapanood niya kay baby ang palabas na Superbook sa mobile app, at nalibang siya. Before the plane landed in Davao, umiyak ulit ang baby at ginawa ng nanay ang lahat para mapatahan sya.

When a newborn baby cries, it signifies life. The Lord reminded teacher Ness that just like the mom who did her best to comfort her crying baby, God is always more than willing to comfort His children, especially when they cry out to Him.

Kapag nakararanas tayo ng pagsubok, trahedya, o kabiguan, sa sobrang sakit hindi na rin natin alam kung paano pa mag-pray. Ngunit kahit luha na lang ang laman ng ating dasal, lahat iyon ay nakakarating sa ating Diyos Ama.

God wants to hear us. He takes delight in being a father to His children. Kaya kapag umiyak tayo, rest assured na nandiyan Siya para tumulong. He wants us to be dependent on Him. Kapag may pinagdadaanan tayo, His heart is open to hear our cries. Lalo na dahil Siya lang din ang makakapagpatahan sa atin at makakaayos ng sitwasyon. Jesus Christ taught His disciples to call upon the name of the Father. He modeled a life dependent on the Father. And He invites us to do the same.

Ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, patuloy kang manampalataya at umiyak sa Kanya. Nakikinig Siya. The psalmist said in Psalm 126:5, “Those who plant in tears will harvest with shouts of joy.” Walang luhang nasasayang. We have a God who redeems and restores.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, thank You dahil nakikinig Ka sa aking bawat pag-iyak. Tulungan Mo akong magsimula ulit. I trust Your redemption and restoration. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Makinig sa Superbook’s “The Salvation Poem.” Share it with a kid at sabay ninyong kantahin ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 11 =