23

FEBRUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Ipakita mo sa akin ang kahanga-hanga mong pagmamahal, at ang iyong kanang kamay ang sa aki’y umalalay. Ako’y bantayan mo, ang paborito mong anak,at palagi mong ingatan sa lilim ng iyong pakpak.

Awit 17:7–8

“Haay, Monday na naman! Sana Friday na,” ang sabi ni Tina sa mga ka-opisina. “Ano ba naman, absent na naman si ano kaya dagdag trabaho ito sa akin,” ang second statement niya. Masipag sanang empleyado si Tina pero nung iba ang nabigyan ng Employee of the Month award, tampo ang kanyang binitbit pauwi.

Eto naman ang isa.

“OK lang ‘yun, bro!” ang nakangiting sagot ni Hector sa ka-opisinang nagpatulong sa kanya. Masipag at maagang pumapasok at nag-oovertime, masugid niyang tinatanggap kahit ang trabaho ng iba nang walang reklamo. “Tulong-tulong lang tayo,” madalas niyang sabihin.

Sa paningin ng mundo, inaabuso at nagpapa-abuso si Hector. Maaaring sabihin ng iba na parang wala yata itong ambisyon. Pero walang ganung klaseng pag-iisip si Hector. “Nae-enjoy ko ang ginagawa ko, at nagpapasalamat akong may trabaho ako. Nakakapagbigay ako para sa gastusin sa bahay. Simple lang naman akong tao,” ang madalas na bukambibig ni Hector.

Kung magkaroon ng pagkakataong makausap si Hector, malalaman natin na meron siyang mas malalim na dahilan. Matatagpuan ito sa verse natin today. Feeling ni Hector, paborito siya ni God. Kampante siya na he will be protected and provided for. Wala siyang takot na magkulang. Hindi niya ine-expect sa tao ang papuri, kundi sa Panginoon na pumapansin sa lahat ng kanyang ginagawa, at nagre-reward sa kanya. Ang kanyang mahal na Panginoon ay umaalalay at nag-iingat sa kanyang bawat pagkilos.

Teka, favorite daw siya ni God? Sa totoo lang, ang sarap magkaroon ng ganitong strong identity in the Lord. How about us? Like Hector, do we feel na favorite din Niya tayo?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama naming mahal, imulat po Ninyo ang aming mga mata upang makita na kami rin ay paborito Ninyo. Nais po naming makita ang kahanga-hanga Ninyong pagmamahal, at mahawakan ang kamay Ninyong umaalalay. Sabi po Ninyo, ask and it shall be given unto you, so I ask, and receive by faith. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Gumawa ka ng dalawang listahan. Sa first column, isulat ang mga naging reklamo mo during the day. Sa second column, isulat ang mga ipinapagpasalamat mo. Do this for a week. Tapos mag-accounting. Which list has more items?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =