24

JANUARY 2024

Daanan Mo Lang, Huwag Tambayan

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Thelma A. Alngog

Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa akin ay dapat maniwalang may Diyos, at Siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa Kanya.

Mga Hebreo 11:6

Kapag nakasakay ka sa LRT o MRT, maririnig mo ang ganito:  “Paparating na sa susunod na istasyon. Ang susunod na istasyon ay Cubao Station.” Kung hindi Cubao ang iyong destinasyon, hindi ka pa bababa. Mananatili ka sa loob ng tren at dadaanan mo lang ang bawat istasyon hanggang sa makarating ka sa iyong pupuntahan.

Ang buhay ay parang pagsakay sa LRT o MRT. May mga madadaanan kang istasyon sa buhay. Minsan, mapapaisip ka kung ano ang susunod na istasyon na madadaanan mo. Kahapon ay masaya ka. Masaya ka pa rin kaya bukas? Noong isang araw ay malungkot ka. Puno pa rin ba ng kalungkutan ang susunod na istasyon? Kung naghihirap ka ngayon, huwag mong isiping mananatili kang mahirap; dadaanan mo lang iyan. Kung mabigat ang iyong problema sa ngayon, daanan mo lang iyan at huwag tambayan. Pagkatiwalaan mo ang Diyos sapagkat Siyay nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa Kanya.

Sa paglapit mo kay Lord, tandaan ang tatlong K na makapagpapalago ng faith mo kay God:

Una, karaniwan at normal lang ang problema. Remember, life is more difficult without God. Ang sabi ni Jesus, “Take my yoke for it is light” (Matthew 11:30).

Pangalawa, kausapin si God. Ang sabi ni Jesus, “I am with you, even to the end of the age” (Matthew 28:20). Hindi ka Niya iiwan o pababayaan kailanman.

Pangatlo, kilalanin si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay. Jesus saved us from sin and helps us overcome our daily troubles. Always look for the good in everything. Adversities give us opportunities to trust, thank, and praise the Lord.

Habang naglalakbay ka sa buhay, lumapit ka at manalig sa Diyos. Mahal na mahal ka Niya. At pangako Niya, ang lumalapit at nagtitiwala ay bibigyan Niya ng gantimpala.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Aming Diyos, sa araw na ito, bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at kalakasan na harapin ang bawat pagsubok sa aming buhay. Turuan Ninyo kami na daanan lamang ang mga pagsubok sa buhay at palakasin Ninyo ang aming pananampalataya sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Ask God for wisdom to solve your problems. You may click the icon Chat With Us para maka-chat nang live ang ating prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 2 =