25
JANUARY, 2021
Dahil Sa Pag-ibig
Share with family and friends
Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo’y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
Mga Taga-Filipos 2:6-8
Gaano ba nagpakababa ang Panginoong Jesus para sa atin? Gaano ba nagpakababa ang Panginoong Jesus para sa atin?
Pagkadakip kay Jesus, dinala siya sa mga pinuno ng sinagoga para litisin kahit hindi pa takdang oras. Habang nililitis, nakatanggap Siya ng sampal mula sa isa sa mga pinuno ng bantay sa Templo (Juan 18:22). Hindi ba Siya ang lumikha ng ating mga kamay? Maiisip mo bang pagbuhatan ng kamay ang Makapangyarihang Diyos? Akala ng bantay ay tao lamang ang kaharap niya. Yes, noong si Jesus ay namuhay dito sa lupa, He was 100% man but at the same time, 100% God din Siya.
Hindi lang pang-iinsulto ang tinanggap Niya kundi labis na paghihirap. Iginapos, pinutungan ng koronang tinik, hinampas, pinagbuhat ng mabigat na krus, hanggang sa ipako Siya dito mismo. Pinarusahan kahit walang sala. Hinubad Niya ang pagiging Diyos para alipinin. Bakit? Dahil ito ang tanging paraan para tayo mapatawad, mapanumbalik sa Diyos, at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sabi sa Roma 6:23 “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan …” Ang kamatayan ng isang walang sala ang tanging alay na katanggap-tanggap sa Banal na Diyos. Kahit kailan, hindi kayang bayaran ng may sala ang utang niya sa Diyos kaya si Jesus na walang kasalanan ang nagdusa “once and for all” para sa mga tao. “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas” (Mga Gawa 4:12).
Mahirap maunawaan na ang Diyos na Omniscient (alam ang lahat) ay hindi umurong hanggang kamatayan kahit alam Niyang magiging napakahirap ng Kanyang haharapin; ang Diyos na Omnipresent (nasa lahat ng dako) ay hindi pumalag ng ipinako sa krus; at na ang Diyos na Omnipotent (higit na makapangyarihan) ay nagpakumbaba, naging tao, at namatay sa krus para sa ating kaligtasan. Nagpabugbog para sa ating kagalingan. Nagpagapos para sa ating kalayaan. Inialay ang Kanyang sarili para tayo’y mapawalang-sala. Iyan ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo at sa akin!
Ano ngayon ang response natin sa pag-ibig Niya? Hindi man natin maiisip na pagbuhatan ng kamay ang Panginoon, each time naman na nalilimutan nating Siya ang Diyos, each time na sumusuway tayo, each time na iniisip natin na hindi Niya tayo kayang iligtas ng buong-buo, sinasaktan natin Siya. Pero dahil sa kanyang pag-ibig, kahit ngayon din, maaari tayong tumakbo sa Kanya, magsisi, at magsimulang muli.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Panginoon, dahil sa Inyong pagmamahal, binigyan Ninyo ng solusyon ang pinakamalaki kong problema: ang kasalanan. Pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga sala. Tinatanggap ko na ang pagkamatay mo sa krus ang naging daan para ngayon ako ay mapatawad. Isinusuko ko ang buhay ko sa Inyo. Naniniwala ako na kaya Ninyo akong iligtas ng buong-buo. Pagharian Ninyo ako at tulungang mamuhay ayon sa Inyong kalooban.
APPLICATION
Paano makakatulong ang halimbawa ni Jesus ng pagpapakumbaba sa iyong kasalukuyang sitwasyon?