26
JULY 2022
Dapat Bang Maghiganti?
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti,” sabi ng Panginoon.
Mga Taga-Roma 12:19
Bakit ba nagkakaroon ng desire na maghiganti ang isang tao? Usually, nagsisimula ito sa anger. Kapag ang isang bagay na mahalaga sa atin ay sinira, binalewala, o inagaw ng iba, nagiging dahilan ito upang magkaroon ng kagustuhang mag-revenge. Sa sobrang galit o pagkapahiya, minsan nagkakaroon tayo ng desire na maiparamdam din sa offender ang pain, shame, at loss na na-experience natin. By acting on this desire, iniisip natin na mapapawi ang galit sa ating puso.
Pero ano ang sinasabi ng Bible tungkol dito? Natural lamang na magalit kapag nakaranas ng offense, ngunit dapat iwasan na maging dahilan ito upang magkasala (Mga Taga-Efeso 4:26). Kailangang ma-overcome ng believer ang urge na manakit, mang-insulto, at makabawi.
Ngunit hindi nagtatapos sa pagtitimpi lamang ang instructions ng Gospel. Sa halip na gumanti, nire-remind tayo na i-bless ang offender (1 Pedro 3:9). May promise rin na ang gagawa nito ay makakakuha rin ng blessing. Ito ang higher standard ni Jesus, na hiniling sa Ama na patawarin ang mga taong nagpako sa Kanya sa cross (Lucas 23:34), kahit na meron Siyang power upang utusan ang mga anghel na ipagtanggol Siya. Ito ang standard na panuntunan sa Christian life pagdating sa offense at vengeance.
Minsan, dahil sa strong emotions na dala ng galit sa naranasang injustice, nakakalimutan natin na ang Diyos ay isang Diyos na makatarungan (Deuteronomio 32:4). Tempting na ilagay ang vengeance sa ating sariling mga kamay, pero mas maganda na ipagkatiwala na lang natin ito sa able hands ni Lord, at magkaroon tayo ng faith na gagawin Niya ang Kanyang mga pinapangako (2 Pedro 3:9).
LET’S PRAY
Lord, help me so that my anger does not overwhelm me. Help na huwag gumawa ng mga bagay that I will regret later. I surrender my desire for revenge to You. It belongs to You.
APPLICATION
Napipigilan mo ba ang sarili mo sa tuwing may urge ka na gumanti sa gumawa ng masama sa iyo? Kaya mo bang ipaubaya ito kay Lord?