12

FEBRUARY 2025

Dapat Ko Bang Mahalin Ang Di Karapat-dapat?

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Kit Cabullo

“Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila’y magsisi.”

Lucas 5:32

Si Levi ay isang tax collector, pero ibang-iba ang pagbubuwis sa panahon nila ha? At that time, tax collectors were considered sinners. Kinamumuhian sila dahil sa pang-aabala at pang-aabuso nila. Kahit ang mga politiko at mayayaman ay iniiwasan sila dahil sa kanilang napakapangit na reputasyon. People think they don’t deserve love, friendship, or even attention. They are unlovable!

Kaya laking pagtataka ng mga religious people nang isang araw, sumama si Jesus sa bahay ni Levi! Naroon din ang iba pang kagaya niya. “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” may paghamak na tanong ng mga relihiyoso. Tulad sa Pilipinas, isang malalim na simbolo ng pakikiisa ang makikain at makihalubilo sa kapwa. At ganyan nga ang ginawa ni Jesus — minahal Niya si Levi at ang iba pang unlovables. He called them to follow Him and be with Him.

As we reflect on this, we must realize that we are undeserving of Jesus’ love, too. Katulad ni Levi, we are all sinners before a holy God. Pero naparito ang Panginoon para tawagin ang mga makasalanan — kasama tayo

Magandang alalahanin na tayo ay minamahal ng Diyos ayon sa Kanyang dakilang grasya at hindi sa ating kalagayan dahil lahat tayo ay hindi karapat-dapat. God loves us even though we are undeserving of Him, and that is one big reason for us to love the undeserving.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You that You love us even if we are unworthy. Tulungan po Ninyo kaming umibig sa iba kahit ano pa man ang kanilang kalagayan.

APPLICATION

May mga tao na least favorite natin. They are the unlovables in our lives. Mahilig tayong mga Pinoy sa kape at kainan, so schedule a time with them over coffee or a meal. Talk with them about God’s love and ask to pray for them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 10 =