29
JULY 2022
Dead End na ba Talaga?
Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig.
Exodo 14:21
“Ayoko na po, Lord. Pagod na pagod na po ako. Kunin Ninyo na rin ako para makasama na sina Papa, Mama, at Kuya.” Ito ang panalangin ng isang dalagita. Ang tatay niya ay ang pastor; ang nanay niya ay worship leader; at ang kuya niya ay ang gitarista. Pero tinamaan ang pamilya nila ng iba’t ibang trahedya: sakit, krimen, matinding depression. Ang dating masayang pamilya na sama-samang naglilingkod sa Panginoon ay isa-isang namatay.
Naramdaman ng naulilang dalagita na umabot na siya sa dead end. Naisip niya, May future pa ba ako? Ang nangyari, inampon siya ng church. Mahigit sa 100 members ang tumayo bilang kanyang ama, ina, at kuya. God took good care of her needs, and she was able to graduate from college and found a job at a hospital. Good ending, di ba?
“Dead end” din siguro ang pakiramdam ng Israelites nang pigilan silang makaalis sa Egypt. Nanginginig at pinagharian sila nang takot nang makita nila si Pharaoh at ang army niya (Exodus 14:10). Sinagot ni Moses ang Israelites, “Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot” (Exodo 14:13a). Then Moses followed God’s instructions, raised his staff, and stretched out his hand over the sea. Nagkaroon ng daan para sa kanila! After they crossed the Red Sea, Moses stretched out his hand again, and the water went back to its place, drowning the Egyptians. Wala pala talagang dead end para kay God!
Ikaw, may mga sitwasyon ba sa iyong buhay na feeling mo dead end na? Katulad ng ginawa ng Diyos para sa Israelites, makakaasa kang tutulungan ka rin Niya. Sabi nga sa Exodus 14:14, “The Lord will fight for you; you need only to be still.”
LET’S PRAY
Lord, I seek You today. Binibigay ko ang lahat sa Inyo. I admit na umabot na ako sa dead end ng buhay ko. Help me see what You have in store for me. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Try to see the big picture of your present situation. Pray and ask God na ipakita Niya ang purpose ng path na pinili Niya para sa iyo.