29

FEBRUARY 2024

Dear Younger Self

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Abi Lam-Parayno

Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.

Mga Taga-Efeso 5:15

Isang filter sa app na TikTok ang nauuso kung saan makikita ng isang adult ang kanyang look as a teenager. Nakakaaliw. Nakakapagbalik-alaala noong time na teenager ka pa without a care in the world. Ang lakas maka-feeling young! But at the same time, nakaka-senti rin. Because while it allows you to take a brief walk down memory lane, it also makes one, especially an adult past her teenage years, to think about the what couldve beens and the what shouldve beens. It makes one realize na andami mo na palang pinagdaanan, both the winning moments, and the not so happy ones.

At the same time, somehow nakaka-panic din. Lalo na kung middleaged ka na. Mapapatanong ka na lang kung saan napunta ang lahat ng panahong nagdaan. Ginamit mo ba ang buhay mo sa tamang paraan? O nasayang lang sa walang kakwenta-kwentang bagay?

However, the fact that you can read this is already a blessing kasi buhay ka at may pagkakataon pa to make up for lost time. May pagkakataon pang ibahagi sa iba, lalo na sa mga teenager sa buhay mo, ang mga life lesson that you learned all these years. We all know that the younger generation need proper guidance. Unfortunately, not every child or teenager have access to supervision that is appropriate and based on the Word of God. Sigurado akong kung bubuksan natin ang ating mga mata, meron at merong kabataang makikinabang sa mga aral na maaari nating ibahagi sa kanila.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Father, I feel bittersweet thinking about the years that passed. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kurot sa puso kapag naiisip kong hindi ako naging consistent sa  matalinong paggamit ng oras ng buhay ko. Tulungan po Ninyo akong maging mas responsable sa kung paano ko gagamitin ang bawat araw na pinagkakaloob Ninyo sa akin.

APPLICATION

Subukan mong sulatan ang iyong younger self. Ano ang gusto mong sabihin sa kanya? Kailangan mo ba siyang patawarin sa mga nagawa niya? Kung mayroon kang ipapayo sa kanya, ano kaya ito? Take time to reflect and write that letter. Malay mo, sa pamamagitan ng activity na ito, meron kang ma-realize sa sarili mo o baka may gustong ipagawa si Lord sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 9 =